Kabanata 356Mahinang nagtanong si Bailey, “Daddy, umiiyak ka ba?”bMarahang tinapik ng maliit na bata ang ulo ni Clint. “Don’t cry, Daddy. Kapag may nawala, puwede ka naman bumili ulit.”Pinunasan ni Clint ang mga mata niya gamit ang likod ng kamay.“Hindi.”Inayos niya ang kalat sa banyo, pinatay ang ilaw, at isinama ang anak pabalik sa kanilang kuwarto.Pero nang nasa kalagitnaan na sila ng paglalakad, bigla niyang naalala kung ano ang ibig sabihin ng sinabi nitong may nawala.Bigla niyang kinapa ang bulsa ng suot niyang damit, pero saka niya naalala na pajama lang pala ang suot niya.Agad siyang bumalik sa kaniyang kuwarto at maingat na naghanap.Pero kahit anong hanap niya, hindi niya makita.“Daddy, hinahanap mo ba ‘yung ring?” mahinang tanong ni Bailey. “Nahulog ‘yon sa imburnal. Mommy said we’ll find someone to retrieve it tomorrow.”Nagbago ang ekspresyon ni Clint nang marinig iyon. Wala siyang imik na kumuha ng dalawang jacket, isinuot ang mga iyon, saka yumuko sa harapan ng
Baca selengkapnya