Mag-alas dose na nang gabi ay wala pa rin si Gustavio sa mansyon. At hanggang ngayon inaalala pa rin ni Kesha ang kanyang mga kaibigan. Lumapit siya sa isang kasambahay. Ngunit walang kahit na anong salita ang lumabas sa mga bibig nito. Paulit-ulit man ang mga tanong ni Kesha, tungkol kay Gustavio. Tikom ang mga bibig nito para sa binata. Malalim ang pinakawalan niyang paghinga. Tila ba hindi niya gusto ang mga nangyayari. Kahit telepono ay kinuha rin sa kanya ni Gustavio. No calls or any contact sa lahat ng kanyang mga kaibigan.“Wala bang sinabi si Gustavio sa inyo, bago siya umalis?”“Ang tanging sinabi lang niya ay huwag kitang hahayaang umalis dito sa mansyon. Pero, kung tungkol sa mga kaibigan mo. Wala akong alam, hija.”“S-salamat po. P-pasensya na po kayo,” sagot ni Kesha sa matanda kahit mautal-utal pa siya.“Kilala ko na ang batang iyon mula pagkabata. Mabait naman siya at may sariling desisyon sa buhay. At alam kong mahal ka niya at may nararamdaman din siya para sa ʼyo. Min
Ler mais