Nanginginig ang mga kamay ni Doña Libeth, nang marinig niya ang putok ng baril sa labas ng mansyon. Hanggang sa malakas na sigaw ang iginawad ni Don Ramon sa kanyang asawa. “Pʼwede bang tumigil ka?!” “Paano naman ako hindi titigil, kung nandito si Gustavio? Alam mong hindi siya papayag, kung basta mo na lang siya paaalisin dito,” wika ni Doña Libeth. “Nasaan na ba ang babaeng ʼyon? Kung wala kay Gustavio. Sino ang tumulong sa kanya para takasan tayo?” “Parang hindi niyo kilala ang anak ninyo. Malamang may tumulong sa kanya. O, baka naman nagnakaw siya ng pera kay Ninong Gustavio, para maitakas ang sarili niya.”“Imposibleng magawa niya ʼyon, Irish,” sagot ni Doña Libeth. “Huwag na kayo magtaka sa babaeng ʼyon. Inosenteng may lihim na plano noon pa. Kung talagang mahal niya ang pamilya natin. Babalik siya para sa ating kompanya. At natitiyak kong malaki siguro ang kasalanan niya kay Ninong Gustavio.”Matapos sabihin iyon ni Irish. Lumabas ng mansyon ang kanyang ama. Doon nila nasi
Read more