“WHERE are you going?” nagtatakang tanong ng mommy ni Blight nang iabot ni Maya si Kyle sa kaniya.“Mom, huwag na muna kayong magtanong. We have to go, but we'll be back,” sagot ni Blight.“Mag-ingat kayo.”“Mom, pakisara po ang lahat ng pinto at bintana. Huwag kayong magpapapasok ng kahit sino. Manatili na lang muna kayo sa kuwarto dahil baka mapahamak pa kayo,” seryosong bilin ni Blight.“What do you mean, anak?”“Never mind. Just do what I said. This is for your safety.”“Okay. Again, mag-ingat kayong dalawa.”Tumango lamang sila bago nagmamadaling lumabas ng bahay.Iniwan muna nila si Kyle sa pangangalaga ng ina ni Blight dahil kailangan nilang sundin ang ipinag-uutos ni Kim.Pagkasakay nila sa sasakyan ay agad na nagsalita si Blight.“Are you sure na ayaw mong magsama ng pulis?”Huminga nang malalim si Maya bago sumagot.“Iyon ang malinaw na bilin ni Kim. Kapag nagsama tayo ng pulis, baka si Cyrus ang mapahamak. Ito na ang pagkakataon nating mabawi siya. Ayokong may mangyaring ma
Last Updated : 2026-07-09 Read more