HAWAK ni Maya ang kaniyang bagong silang na anak na si Kyle.Napakaguwapo nito at halatang may pinagmanahan. Matangos ang ilong, maningning ang mga mata, at kamukhang-kamukha ni Blight.Napangiti siya.Pakiramdam niya, kapag lumaki ito ay maraming magkakagusto rito.Sana naman ay hindi.“If you are tired, just call me,” sabi ni Blight na nakaupo sa sofa habang abala sa kaniyang cellphone.Umiling siya.“Hindi ako mapapagod. Anak ko ito. Mapagod man ako o hindi, kakargahin ko pa rin ang anak natin. 'Di ba, Baby Kyle?”Napatingin siya sa sanggol.Mahimbing itong natutulog habang bahagyang nakangiti.Hindi man ito makasagot, masaya pa rin siyang kausapin ito.“Parang ang sarap dagdagan.”Napalingon siya kay Blight.Kaagad niya itong sinipa sa paa.“Kakapanganak ko pa lang, gusto mo na agad sundan?” inis ngunit natatawa niyang sabi.Napahalakhak si Blight.“I'm just kidding, darling.”Sinamaan lamang niya ito ng tingin.“Tse!”Maya-maya ay tumayo si Blight at lumapit sa kaniya.“Before I
Last Updated : 2026-07-09 Read more