“Ikaw na lalaki ka!” Galit na itinuro ng nanay niya si Blight, halos itapat pa ang daliri sa mukha nito. “Una, huwag mo akong i-English-English diyan. Pangalawa, kahit ganito ako, naintindihan ko ang ilan sa mga sinabi mo. Pangatlo, wala kang karapatang sabihin ang mga iyon sa akin. Pang-apat, baka gusto mong makulong. At panghuli, lumayas ka sa harapan ko, punyeta ka!” galit na galit nitong wika.Napatingin si Maya kay Blight.Ngunit imbes na matakot ay nakangisi lamang ito.“Gusto mo akong ipakulong? Go, gawin mo. Babalik din sa iyo ang lahat. Sino bang nagsabing may karapatan kang duru-duruin ako? This is harassment.”Napakunot-noo si Maya.Harassment ba talaga ang pagduduro? Sa pagkakaalam niya, bastos at mali ang magturo ng daliri sa kapwa, lalo na kung galit ka. Ngunit sa sitwasyong iyon, wala na siyang panahon para isipin pa ang ibig sabihin ng salitang ginamit ni Blight.“Wala kang galang!”Nang tingnan niya ang kaniyang ina ay nakita niyang muli nitong itinaas ang basong kani
Last Updated : 2026-07-08 Read more