Buong paghangang ipinalibot ni Bliss ang kanyang paningin sa kabuuan ng Isla nina Asher. Para kay Bliss ay maituturing na paraiso ang naturang Isla. Hindi man kagaya ng Mansyon ang laki ng bahay doon pero mahahalata mo paring mayaman ang may-ari niyon. Fully glass ang pagkagawa ng bahay na nakaharap sa dagat at may swimming pool pa doon. Idagdag pa ang white sand sa paligid, mga trees and mini garden. Naisip ni Bliss na kay sarap manirahan doon presko ang hanging dagat, tahimik at sobrang nakaka-relax."How's my Island? This is a private Island," nakangiting tanong ni Asher kay Bliss nang makita niyang kay saya ng mukha nito."Ang ganda Senyorito! Tahimik mga alon lang ang maririnig mo ang sarap sigurong manirahan dito." Buong paghangang sagot ng dalaga na namimilog ang mga mata niya.Tumawa naman si Asher hayun na naman ang pakiramdam niyang naaaliw sa expression ng mukha ni Bliss. Kay gandang pagmasdan iyong tipong habang matagal mong pinagmamasdan lalong gumaganda."May dumi ba ako
Last Updated : 2026-07-01 Read more