Alas-sais pa lamang ng umaga ay gising na ang buong resort. Malamig ang hangin sa Tagaytay, at nababalot ng manipis na hamog ang mga hardin. Sa dining hall, unti-unti nang nagtitipon ang mga kalahok ng workshop para sa breakfast buffet. Maagang bumaba si Alliyah. Dahil sa pagbubuntis, mas madalas siyang magutom kaysa dati. Kumuha siya ng mainit na oatmeal, prutas, toasted bread, at isang baso ng fresh milk. “Good morning!” Masayang bati ni Mae habang inilalapag ang sariling tray. “Good morning.” Napangiti si Alliyah. “Mas okay na pakiramdam mo?” “Oo.” “Mukhang nakatulong ang pahinga.” Habang kumakain sila, may isang resort staff ang lumapit. “Excuse me, Ma’am.” Napatingin si Alliyah.
最後更新 : 2026-07-03 閱讀更多