"Sayang naman 'yun, Bunso. Hindi mo ba na-miss si Tita?"Saglit akong natahimik sa tanong ni Ate. I miss her, of course. Sino bang hindi nakaka-miss sa Tita mong sobrang sweet at maalaga?Ang akin lang, walang kasama dito si Aaron. Mag-isa lang siya sa buhay kaya mas lalong hindi ko kaya na maiwan siya rito. Buti kung sasama siya doon pero tinanong ko na kasi siya kagabi, ayos lang naman daw kung kahit ako na lang daw ang sumama sa kanila. Marami pa raw siyang aasikasuhin dito."Two weeks lang naman tayo doon, 'di ba, dad?" baling ni Ate kay Daddy.Tipid namang nginitian ni Daddy si Ate, bago ako balingan."Sasama din sa'tin dito pabalik ang mga pinsan mo. Dito na sila magpapatuloy ng kolehiyo," aniya."Iyon naman po pala," galak kong sambit. "Siguro dito na lang ho kami magba-bond since sasama din naman pala sila dito."Ibubuka pa lang sana ni Daddy ang bibig upang magsalita ngunit naunahan na siya ng kanina pa nananahimik sa tabi kong si Aaron.“So, you're already planning to separa
最後更新 : 2026-10-11 閱讀更多