Pagbalik ko sa kotse ay nagtatakang mukha ni Daddy ang sumalubong sa akin."Bakit..." hindi matuloy-tuloy na tanong niya sa'kin.Tipid ko lang siya nginitian bago inilingan. "N-Nahiya po ako lumapit, e," nauutal kong sabi, pagkatapos ay bigla na lang bumuhos ang kanina ko pa pinipigilang hikbi.Daddy simply pulled me into a silent embrace, trying to soothe me."H-Hindi ako ang namatayan... pero parang ako pa ang mas nasasaktan para sa kaniya," sabi ko na lang habang nakasubsob ang mukha ko sa balikat niya."That's normal," aniya, patuloy na hinahagod ako sa likod. "Mahalaga siya sa'yo kaya nasasaktan kang makita siyang nasasaktan," dagdag niya, kahit ramdam kong hindi ko man aminin ang tunay na dahilan kung bakit umiiyak ako, alam kong ramdam na niya ito.Ang sakit lang na napagtanto kong pinili niyang hindi ako isama dito kasi may ibang babae na ginusto niyang samahan siya.At the same time, I felt so frustrated with myself because I shouldn't have been making a big deal out of it, n
Última actualización : 2026-10-11 Leer más