Wow.Wow na wow talaga! Magkambal nga itong Kyle at Raf! Parehong… mayayabang!Akala mo naman kung sinong guwapo itong si Kyle— well, sige na nga, kamukha niya si Raf kaya automatic na guwapo rin siya. Pero seryoso?! Not pretty enough to be his type? Bakit, tinanong din ba niya ako kung tipo ko silang magkambal? Ang kakapal din, ha!"Don't mind him, hija. Masyado lang talagang lumaki ang ulo ng isang 'yan dahil sa kasikatan niya," biglang hirit ng isang malambot at napakagandang boses ng kanilang ina, si Aemie. Pagtingin ko sa ginang ay banayad niya akong nginitian. Bago pa ako makapag-react sa ipinakita niyang kabutihan ay hinawakan na niya ang isa ko pang kamay."I'm Aemie, Rafael's mom. Ang tagal ka naming ipinahanap, Paola," aniya, ang kaniyang mga mata ay lumipat kay Tyler na ngayon ay tuluyan nang nagising dahil sa Kyle na ‘yun. Kumukurap-kurap ang mata ng anak ko habang nakasandal pa rin sa balikat ni Raf."Hello, our little angel..." bulong ng ina ni Raf, tuluyan nang pumata
Last Updated : 2026-07-02 Read more