"Honestly..." He restrained, binalik na sa akin ang tingin. "Hindi.”Awtomatikong tumalim ang tingin ko sa kaniya. Pikon akong napapikit nang pabiro niyang pinitik ang noo ko, sinamahan ng marahang tawa."Iba naman kasi kami ang pananaw namin ng Daddy mo," iling pa niya, nakangiti na. "Kung siya, nakayanang maghintay ng ganoon kahabang panahon, ako hindi talaga."Napaismid na ako at mataray na nag-iwas ng tingin sa kaniya."That's redflag," I gasped. "Dapat ang sagot mo, kahit ilang years pa 'yan, mahihintay mo 'ko."Muli siyang marahan na tumawa."Ngayon pa nga lang, gusto na kitang itanan, tapos paghihintayin mo pa ako ng ilang dekada? Hindi ako ganoon kapasensyosong tao, Rachelle."Nagtagis na ang bagang ko sa inis pero pinili kong pigilan ang sarili na bugahan siya ng apoy."Eh, 'di kung ganoon... hindi mo nga ako mahihintay?" medyo humina ang boses ko.Parang kanina lang ay handa ko na siyang awayin pero ngayon na lumabas iyon sa bibig ko, parang may dulot itong kaunting kirot sa
Terakhir Diperbarui : 2026-10-11 Baca selengkapnya