“S-Sir, hindi mo naman kailangan bilhin 'yan para sa akin,” nahihiyang bulong ni Katya habang nakabuntot kay Silas na sunod-sunod na namimili ng damit niya.“I told you to call me Silas, Katya. It would be embarrassing if someone heard us. Lalo na at you're wearing my shirt.” Silas gave her a teasing smile.Nakagat naman ni Katya ang kaniyang hintuturo sa hiya. Suot nga niya ang damit ni Silas dahil hindi pala nakuha ang mga gamit niya nang ma-hostage siya. Kaya naman kahit isang ekstrang damit ay wala siya. Nadawit na rin pati ang cellphone niya at ang kaniyang piggy bank.At ngayon, Silas was buying all of her needs. Ngunit sobra-sobra na ang binibili nito para sa kaniya.Hindi pa nga siya nakaka-get over kagabi na natulog sila sa iisang kwarto, idinagdag na naman itong ginagawa sa kaniya. Actually, hindi naman tumabi sa kaniya si Silas nang malaman na hindi siya komportable, kaya sa sofa ito natulog.Pero siya naman ang hindi makatulog. Paano siya makakatulog kung sa kama natutulo
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-07-18 อ่านเพิ่มเติม