로그인What if the supposed love potion turns out to be an aphrodisiac, and you mistakenly give it to the wrong person? Nagsimula iyon nang mamasukan si Katya bilang isang katulong. Kontento na siya na masilayan lamang ang kaniyang kababata at first love na si Markus Ville Fuente. She wants to devote her love through serving him. Ngunit may parte sa puso niya na nais maangkin si Markus. And that was when it all started... Katya decided to sneak into Markus' room, dala ang kaniyang love potion na nabili lamang niya sa isang sikat na albularyo, at inaasahan niyang may magiging epekto iyon. Ngunit iba ang epekto noon—it wasn't a love potion but rather an aphrodisiac. When the heat ignited, walang nagawa si Katya kundi ibigay ang sarili niya. But it didn't take her long to realize that it was not Markus, it was Markus' villainous brother—Silas. The one they called the devil of the clan. Now, that very man is willing to burn everything just to hunt her...
더 보기Takot.
Iyon agad ang namayani sa puso ni Katya habang pinupulot ang nakakalat niyang damit sa sahig. Ang kaninang kasiyahan na inakala niya ay napalitan ng panganib.
Bakit hindi si Markus ang nakahiga sa kama? Who the fuck did I give my virginity to?!
Iyon ang malaking katanungan ni Katya. Hindi niya mawari kung bakit ibang lalaki ang nakahiga sa kama. Hindi si Markus na mismong target nito, kundi isang estranghero. Gayunpaman, hindi mapagkakaila ang angking kagwapuhan nito. Parang hinulma upang maging perpekto. Ngunit mas lalo iyong ikinabahala ni Katya. Sino ang lalaking iyon?
"Shit!" mahinang mura ni Katya habang balisang sinusuot ang damit niya. "Anong gagawin ko? Oh my God!"
Isa pa sa malaki niyang kasalanan, mukhang nabudol pa siya sa gayumang binili niya. Isang uri ng aphrodisiac ang nabili niya at hindi love potion, dahilan upang may mangyari sa kanila ng lalaki. How did she know? She tried the potion first para siguraduhin na hindi nakakalason.
Laki rin ng kaniyang pagsisi kung bakit hindi niya sinigurado na si Markus ang nasa kwarto.
Pero sa isip niya rin naman, wala namang ibang natutulog sa kwartong iyon kundi si Markus lang. Madilim rin nang gabing may nangyari sa kanila kaya hindi niya agad nasilayan ang mukha ng lalaki.
And after all, nakainom rin siya ng gabing iyon.
"Ang tanga-tanga mo, Katya. Kanino ka ba nagmana?" naiiyak na sambit niya sa sarili.
Dumoble ang takot ni Katya nang marinig na umungol ang lalaki at bahagyang iminulat ang mata nito. Sa sobrang balisa na makita at makilala siya ng lalaki, nahila agad ni Katya ang malaking japanese figurine at ipinalo iyon sa ulo ng lalaki. Nawalan muli ng malay ang lalaki.
"Sorry! Sorry! Pero hindi mo pwedeng makita ang mukha ko!" natatarantang paghingi ng tawad ni Katya. Iyon lang din kasi kaagad ang nakita niyang paraan para muling matulog ang lalaki. "I'm sorry! Sorry talaga!"
Labis na guilt ang naramdaman ni Katya nang makita ang walang malay na mukha ng lalaki. Bahagya ring namula ang ulo nito kung saan niya hinampas. Mukha rin naman itong inosente. Lalo siyang nakonsensya.
Hala! Tama ba ang ginawa ko? What if hindi na siya magising? Lord... Help me!
Pinilit rin kilalanin muli ni Katya kung sino ang lalaki, pero hindi niya talaga maalala. Napakagat na lamang siya ng labi sa sobrang pagkataranta.
Bahala na si Kuromi!
Sa huli, bago pa tuluyang sumikat ang araw, nilisan na ni Katya ang kwarto at palihim na bumalik sa kwarto ng mga katulong. Gayunpaman, lumipas ang buong araw na halos hindi lumabas si Katya ng kwarto. Idinahilan niya na lamang sa mga kapwa katulong na masama ang pakiramdam niya. Ngunit ang katotohanan, takot na takot siyang makita ang lalaking naka-one night stand niya.
At sa loob ng isang araw na pagkukulong niya, wala rin naman siyang nabalitaan na may bisita ang hacienda. Inumaga na rin ng uwi si Markus noong gabing iyon dahil sa party na dinayo nito.
So it wasn't really Markus... So who the fuck is that man?
"Ba't mo ginupitan ang buhok mo?" bungad ni Clarisse, kaibigan niya sa trabaho, nang makita na pinutulan ang mahaba niyang buhok.
"Naengkanto kasi ako," dahilan ni Katya, ngunit sa totoo lamang ay gumagawa siya ng paraan upang hindi siya makilala ng lalaki. Nais niyang baguhin ang anuman na tungkol sa kaniya na maaaring maalala ng lalaki.
If the man remembered her having a long hair, she would cut her hair short. If the man remembered her perfume, she would change it. Ganoon ang pagkatakot niya. Lahat ay handa niyang baguhin sa katawan niya huwag lamang siyang matandaan ng lalaki.
"Engkanto? Sabog ka ba? Ang ganda-ganda ng buhok mo tapos gugupitin mo lang?"
"Tch, basta may dalang malas ang mahabang buhok na 'to!" rason ni Katya, pero nanghihinayang rin siya dahil ilang taon niya ring pinahaba ang buhok niya.
Markus once complimented her long and silky hair. Iyon ang rason kung bakit mahal na mahal niya rin ang mahabang buhok niya. Napapikit na lamang siya sa panghihinayang.
I have to do it or else...
"Rinig mo ba, may bisita pala si Sir Markus?" Sumilay ang kakaibang ngiti sa mukha ng kaniyang kaibigan.
Parang sumabog ulit sa kaba ang puso ni Katya nang marinig ang sinabi ni Clarisse. "B-bisita?"
Tumango si Clarisse at bahagyang ngumiti. "Yes! And ang balita, step-brother ni Sir Markus mismo!" Biglang tumili ito at niyugyog siya
S-step-brother?!
"And nakita ko mismo kahit sa malayo, sobrang gwapo niya! Mas ma-appeal kaysa kay Sir Markus! Grabe 'yong tindigan at katawan! Nakakapag-laway!"
Natulala si Katya nang mapagtanto ang rebelasyong iyon. Daig niya pa ang na-stroke bigla dahil halos manigas ang buo niyang katawan. Tuloy pa rin ang pagyugyog ni Clarisse sa kaniya.
No. Kumalma ka, Katya! Hindi pa sure kung iyon talaga ang naka-one night stand mo. Just pray that hindi siya 'yon!
"Actually, noong isang gabi pa talaga siya dumating. Kaya pala nakita ko si Madam Jen na nagdala ng breakfast kanina sa kwarto ni Sir Markus kasi doon pala ito tumuloy!"
W-what?!
Sunod-sunod ang naging pagmura ni Katya sa kaniyang utak.
"Tapos ang chika, 'yon pala 'yong billionaire na kapatid ni Sir Markus na may-ari ng iba't ibang malalaking kompanya at isa pang Mafia! Kyah!" patuloy na tili ng kaniyang kaibigan. "Para siyang lumabas sa libro! What if magkagusto siya sa akin? Edi mala-libro na ang story namin? Shit!"
Halos mahilo si Katya nang mapagtanto niya ang katauhan ng lalaking naka-one night stand niya. Bukod sa kapatid pa ito ng lalaking pinapangarap niya, hindi rin pala ito isang ordinaryong tao lamang. Muli niya ring naalala kung paano niya ito hinampas sa ulo.
Mafia? Holy shit!
Tuluyang nandilim ang paningin ni Katya. Ang tanging tumatakbo na lamang sa utak niya ay ang hiling na sana hindi na siya magising muli...
WARNING: Rated SPG. Contains explicit content and mature themes intended for readers aged 18 and above. Read at your own risk.******Hindi naman mapakali si Katya at panay ang ayos ng kaniyang suot. Hindi kasi siya komportable sa panty niya dahil nga T-back ang suot niya. Kung bakit kasi iyon ang nadampot niya nang bumili sila.“Ugh! Kainis!” bulong ni Katya habang hawak ang tray ng kape ni Silas.Nanatiling naka-stay pa rin sila sa resort at hindi niya pa rin matawagan si Markus o kung sinuman na kaibigan niya. Baka kasi nag-aalala na ito at ilang araw na niyang hindi ito nac-contact.Nang makapasok, nakita agad ni Katya ang pigura ni Silas. Nakasalamin at seryoso ang mukha nito habang mabilis na tumitipa sa kaniyang laptop.“Sir Silas, andito na po ang kape niyo…” wika ni Katya sabay lapag ng kape. Hindi naman umimik si Silas. Napasimangot siya.Dati-rati ay makita pa lamang siya ni Silas ay may mapaglarong ngiti na ito. Tila ba ay tuwang-tuwa na tuksuhin siya. Nasanay na siya sa g
“S-Sir, hindi mo naman kailangan bilhin 'yan para sa akin,” nahihiyang bulong ni Katya habang nakabuntot kay Silas na sunod-sunod na namimili ng damit niya.“I told you to call me Silas, Katya. It would be embarrassing if someone heard us. Lalo na at you're wearing my shirt.” Silas gave her a teasing smile.Nakagat naman ni Katya ang kaniyang hintuturo sa hiya. Suot nga niya ang damit ni Silas dahil hindi pala nakuha ang mga gamit niya nang ma-hostage siya. Kaya naman kahit isang ekstrang damit ay wala siya. Nadawit na rin pati ang cellphone niya at ang kaniyang piggy bank.At ngayon, Silas was buying all of her needs. Ngunit sobra-sobra na ang binibili nito para sa kaniya.Hindi pa nga siya nakaka-get over kagabi na natulog sila sa iisang kwarto, idinagdag na naman itong ginagawa sa kaniya. Actually, hindi naman tumabi sa kaniya si Silas nang malaman na hindi siya komportable, kaya sa sofa ito natulog.Pero siya naman ang hindi makatulog. Paano siya makakatulog kung sa kama natutulo
Hindi mapigilan ni Silas na titigan ang babaeng walang malay na nakahiga sa kaniyang kandungan ngayon.Pabalik na sana siya sa bahay ni Markus nang makarinig siya ng mga putukan ng baril at kaguluhan.Silas ordered Hudson to check the commotion. It turned out to be a hostage situation.He never wanted to interfere since it seemed the rescuers were on their way, and he was not a simple person either. Hindi siya basta-basta pwedeng mainvolve sa kung ano mang nangyayari.Nang paalis na sana sila, nahagip ni Silas ang isang pamilyar na babae. At hindi nga siya nagkamali.It was the maid from Markus’s house…“Silas, help me—”Natigilan si Silas nang marinig ang boses na iyon. It was the first time that the maid called him by his name…Alam ba nito na nandito siya? How? Did she call his name instinctively?Hindi alam ni Silas kung matutuwa siya o magtataka…Ngunit nakita na lamang niya ang sarili niyang bumaba sa sasakyan at tinutukan ng baril ang may hawak kay Katya.Fortunately, hindi siy
“Sure ka na bang aalis ka na, Katya? Paano ‘yan? Wala na akong kachismisan dito?” malungkot at nakangusong ani ni Clarisse sa kaniya.“Baka sign na ‘to na itigil mo na rin ang pagiging chismosa mo, Cla,” natatawang sagot naman ni Katya.Tumawa ang kaibigan ni Katya sabay alog sa kaniyang balikat. “Pero sabihin mo muna sa amin, kung sino 'yong bruhildang bago pa lang pasok dito sa mansyon? Maid ba talaga 'yon? Raquel ba pangalan noon? Bakit kung umasta ay kala mo siya ang may-ari? Ba't parang bisita lang siya? Kaibigan ba 'yon ni Sir Markus? Anong meron sa kanila ni Sir Silas? Ba't parang may somethin—““Stop! Hayaan mo na lang siya. Nakakahilo ang mga tanong mo!” pakiusap ni Katya sabay takip ng kaniyang mga tainga sa sunod-sunod na tanong ng kaibigan.“Ay, hindi pwede ‘yon—““Kung ayaw mong masira ang mental health mo, Clarisse... kung ano man ang nakikita at makikita mo, let it…”“Edi may alam ka nga?”Sasagot pa sana si Katya nang tawagin siya ng mayordoma. Sinabi nitong magmadali






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.