“Ay, sus naman, Miss, bulilyaso na nga ang raket ko; magiging bangenge sitter pa ata ako, ah,” sabi ni Brix. “Paano ba ito, anong gagawin ko dito? Saan ko ba dadalhin ang teacher na 'to?” Nalilito na ang binata at natutukso na ngang kalkalin ang maliit na body bag na dala nito. Ang kaso lang, may hiya pa naman nang konti si Brix, bukod pa sa baka makasuhan pa siya. Hindi niya alam ang pangil ng babae at kung sino ba ito. “Hay, Brixton, tinamaan ka ng kidlat ng kamalasan ngayong araw na ito. Siguraduhin mong magtirik ka ng kandila sa simbahan sa linggo nang mabasbasan ka at ipagdasal mo ang mga semilya mong ipinutok mo sa kumot sa loob ng mahabang panahon,” sabi ni Brix na kumamot sa ulo na akala mo ay inaatake ng Clash of Clans ng mga kuto. Iiling-iling man ay dahan-dahang inilapag ni Brix ang babae pahiga sa likod ng driver's seat saka muling bumalik ang binata sa manibela. Humugot ng malalim na hininga ang binata at binuksan ang makina, saka pinaandar ang sasakyan at sa iisang luga
Huling Na-update : 2026-11-18 Magbasa pa