MasukNaisip ni Mariel na wala na siyang ibang matatakbuhan. Matagal na siyang nakakulong sa isang relasyong puno ng pananakot, labis na pag-aangkin, at panlilinlang. Ang kanyang kasintahan, na akala niya ay nagmamahal sa kanya, ay isa palang taong walang ibang hangad kundi ang kontrolin ang buong pagkatao niya at makamkam ang kanyang mana, at pinakamasakit sa lahat. Natuklasan niyang matagal na pala siyang niloloko at ginagawang kasangkapan lamang. Upang tuluyang makawala at makalayo sa kanyang pananakot, kailangan niya ng tagapagtanggol, isang taong magpapanggap na kanyang kasintahan upang hindi na siya muling lapitan ng lalaking iyon. Sa desperasyon, nakipagkasundo siya sa isang lihim na ahensya. Doon ay nakilala niya si Brixton, isang lalaking simple ang manamit, tahimik, tila walang labis na yaman, at sa tingin ng lahat ay isa lamang itong binabayarang tagapaghatid-alis o escort. Tinanggap nito ang alok nito nang walang pag-aalinlangan. Ngunit hindi niya inakalang sa likod ng payak na anyo nito ay nagtatago ang isang lihim. Walang kaalam-alam si Mariel na ang totoo, akala niya ay isang gigolo lang , ay napakayaman pala at pinakamakapangyarihang bilyonaryo sa bansa. Si Brixton ay nagtatago ng tunay na pagkatao. Tumalikod siya sa kanyang pamilya na nakasuksuklam sa kanya dahil sa pang-aapi at pang-iinsulto ng mga ito sa kanyang dukhang ina. Dahil sa matinding galit at pagkadismaya, mas pinili ni Brixton ang mamuhay nang malayo at payak na walang bahid ng kahit na anong karangyaan. Maging ang kanyang apelyido ay hindi niya kailanman ginamit pa. Ngunit habang tumatagal ang kanilang pagpapanggap, unti-unting lumalim ang ugnayan nina Brixton at Mariel. Ang pagmamahal na akala nila ay puro lamang palabas ay biglang naging totoo. Siya na ang naging sandigan ni Mariel, at siya rin ang dahilan kung bakit muling bumalik ang ngiti sa mga labi ng dalaga.
Lihat lebih banyakBumagsak ang kamay ni Lyca sa ibabaw ng lamesa. Kumalabog ang mga papeles na hawak niya habang nanlilisik ang mga mata kay Brix.
"Ano ito, Brix? Ano'ng ibig sabihin nito?" Nanginginig ang boses na tanong niya habang itinuturo ang nakahandang bagahe sa gilid. "Huwag mong sabihing… huwag mong sabihing pupuntahan mo siya?" Huminga nang malalim si Brix, pilit na pinapakalma ang sarili bagama't ramdam na niyang wala na talagang pag-asa ang usapan. "Lyca, pakiusap… sana maintindihan mo. Matagal ko na namang pinagbibigyan ang iyong ina at ang iyong ninang. Ilang taon na akong nagtiis at nanatili rito kahit alam nating hindi tama ang lahat. Panahon naman na siguro para makalaya ako," malumanay ngunit matatag na sagot ng lalaki. "Makalaya?" Tumawa nang mapakla si Lyca, tila nababaliw sa narinig. "Teka nga lang, Brix, uulitin ko lang para malinaw sa iyo ang sitwasyon. Asawa mo ako! Kailan ba kita sinakal o tinanggalan ng karapatan para humingi ka ng ganyang kalayaan?" Napatiim-bagang si Brix. Ilang beses na ba nilang pinagtalunan ito? Ilang beses na ba siyang nagpapaliwanag, pero tila pader ang kausap? Alam niyang may pagkukulang din siya dahil noong una ay hindi na niya itinama ang maling akala ng dalaga. Totoo na nagsasama sila sa iisang bubong, magkasama sa bahay, minsan ay magkasama pa sa silid, pero wala silang kasal.Wala siyang dapat ipinangakong pag-ibig o panghabambuhay na pagsasama. Wala sana siyang balak manatili nang ganoon katagal, ngunit naulila si Lyca at ibinilin siya ng kanyang ninang sa kanyang pangangalaga. Akala niya ay magiging maayos ang lahat, hanggang sa dumating ang araw na nakilala niya si Mariel at doon nagbago ang lahat. "Lyca, alam mo ang totoo sa atin noon pa man," pakiusap ni Brix. Lumapit nang kaunti ngunit umatras ang babae. "Pakiusap, huwag naman ganyan ang isipin mo." "Hindi! Hindi ako papayag na umalis ka, Brix!" sigaw ni Lyca habang tumutulo na ang luha. "Noon pa man ako nagtitimpi sa babaeng iyan! Noon pa man ako nababaliw sa kakaisip na baka dumating ang araw na mas piliin mo siya! At ngayon... ngayon nangyayari na nga!" "Huwag mo siyang idamay dito, Lyca!" Tumaas na nang kaunti ang boses ni Brix. "Alam mong wala tayong relasyong tulad ng iniisip mo. Ikaw lang ang nagbuhos ng damdamin. Ikaw lang ang nag-isip nang malalim sa lahat. Wala akong ibinigay na dahilan para isipin mong tayo ay iisa." "Ganoon ba? Ganoon lang pala?" garalgal na sabi ni Lyca habang itinuturo ang sarili. "Pagkatapos kong ibigay ang lahat? Pagkatapos kong alagaan ka, intindihin ka, at gawin ang lahat para sa iyo… ganoon lang pala ang kapalit? Hindi ako papayag na bigla ka na lang bibitaw at kukunin ng babaeng iyan! Yung babaeng makapal ang mukha at maglagay ng kulay sa mukha at magpanggap na inosente! Magkakamatayan tayo, Brix, pero hinding-hindi ako papayag na mawala ka!" Kumuyom ang mga kamao ni Brix sa gilid. Ilang beses na ba itong nangyari? Ilang beses na ba siyang nagpapaliwanag, pero sarado ang isipan ng babae? Nakakapagod na. Napakasakit na makita ang taong akala mo ay nagmamahal sa iyo, na nagiging ganito dahil sa maling akala. Pinili na lang niyang tumalikod. "Bukas na lang tayo mag-usap. Aalis na ako," sabi niya habang naglalakad patungo sa p***o. Nais na lamang niyang iwasan ang lalong paglala ng gulo.Ngunit nang hawakan niya ang seradura at buksan ito… nanigas siya sa kanyang kinatatayuan. Sa tapat ng pintuan, nakatayo si Mariel na namumugto ang mga mata, basang-basa ang pisngi ng luha, at tila kanina pa nakikinig sa lahat ng kanilang pinag-aawayan. "M-Mariel...!! Anong ginagawa mo rito?!" Gulat na gulat na tanong ni Brix, sabay lingon agad kay Lyca na ngayon ay puno na ng poot ang tingin sa bagong dating.Napatda saglit si Brix. Parang namanhid ang buong katawan niya. Byhos ang takot sa kanyang dibidib. "Ano ang gagawin niya?"Doon lang bumalik sa realidad si Brix. Masyado na nga palang inaksaya ng teacher na ito ang oras niya. At lintek lang ang walang kabit; malamang kulata siya nito pag-uwi. Inabot na siya ng ganitong oras at wala siya kahit singkong duling. Bigla tuloy naisip ni Brix na dapat pala sinunod na lang niya ang solsol ng impaktong bahagi ng isip niya.Kung meron sana siya kahit konting pera sa bulsa, walang problema; ang kaso, butas na nga ang bulsa niya, sakit pa ng puson niya. "Ang kawawang cowboy may baril di makaputok, may manok di makasabong..." kumanta na lamang si Brix, busog naman ang berdi niya. Dapat pala hinayaan niyang makadura man lang ng malapot ang manok ni San Pedro niya kesa ganitong para siyang dinidysmenorrhea sa bitin. Sa pagkakataong iyon ay gumana ang imagination ni Brix.Tumawag si Brix sa telepono ng hotel para i-update ang pina-dry clean nilang damit at mabuti na lang at okay na daw ito, kaya sinabi niyang dalhin na agad sa silid nila. Inilagay ni Brix ang nakaplast
Matapos makipagbunong-braso sa sariling damdamin at makitang maayos na ang babae, kinumutan ito ni Brix. Paalis na sana si Brix nang habulin siya ng mga kamay ng babae at nagsalita ito. Medyo mahina at malabo ang sinasabi nito,pero kahit papaano ay narinig niya. Nakakagulat at hindi niya inaasahan, kaya tinanong ni Brix ang babae."Ano yun, Miss?" Tanong ulit ni Brix, baka kasi mali ang pandinig niya."Ang sabi ko, magkano ka...?" Ulit ni Mariel.Biglang dumagondong sa tenga ni Brix ang salitang iyon, pagkatapos ay nagkaroon ng katahimikan. Naglapit ang mga kilay ni Brix at biglang naging seryoso ang mukha. Lumiit ang tingin niya sa babae na parang naging singliit ng pusa na gusto niyang sakalin sa sobrang yabang. Hindi talaga siya makapaniwalang matapos ang lahat ng ginawa niya at pagpipigil niya ay babalahurain nito ang pagkatao niya. Oo nga at may presyo ang serbisyo ng kahit na sino sa panahon ngayon, pero hindi ka dapat nanghahamak ng tao. Kinakitaan ng malakas na awra si Brix sa
Kasabay ng paninigas ng kalamnan ni Brix ay ang pagdaloy ng kilabot sa kanyang buong katawan. Ang lawak ng puting kama ay parang nang-aakit sa kanya, parang nang-aanyaya.“Umayos ka Brixton, umayos kung ayaw mong magkanda lehe leche ulit ang buhay mo. Problema mo pa nga paano tatakasan ’yon; isa, kukuha ka pa ng sakit ng ulo,” sabi ni Brix sa sarili. Pumasok si Brix sa silid at inilapag ang babaeng tulog na tulog pa rin marahil dahil sa kalasingan. Gusto sana ni Brix na iwan na ito, total naman ay safe na ito doon, pero naisip ni Brix na malaki ang utang ng babae sa kanya. Umupo si Brix sa gilid ng kama at ihinanda na sana ang sarili niyang magbilang ng butiki, pero nakita niya ulit ang hitsura ng babaeng nanlilimahid na sa suka ang mukha at damit. At dahil ilang minuto na, mas tumindi na ang amoy ng suka at nakakabaliktad na sa sikmura. Kumilos si Brix; bahala na. Una, malinis ang intensyon niya; ikalawa, hindi lang talaga kaya ng konsensya niyang pabayaan ito; at ikatlo, hindi kasi
Hindi alam ni Brix kung bakit kakaiba ang naramdaman niyang lamig at kilabot nang makita niya yung puting malapad at malambot na kama. Pagkatapos ay napatitig siya sa babaeng kalong-kalong niya ngayon. Nakalugay ang buhok nito, dumuduyan sa hangin. Nakatingala ito, kaya't kitang-kita niya ang makikinis nitong leeg, at dahil din sa himbing ng tulog nito ay nakaawang ang mga labi nito; mga labing kanina lamang ay nalasap niya ang tamis."Pero napangiwi si Brix nang maalala niyang nalasap pala niya ay hindi tamis kundi pait ng suka."Yuck..Naku lintek talaga 'yung utak ko ata naging sabaw na nga. Naku, Miss, ang bigat mo."Mabilis na naglakad si Brix papasok at inilapag ang babae sa kama. Yun nga lamang, parang nagising ito dahil sa medyo pabagsak na paglapag niya. Agad nitong ikinalawit na naman ang kamay sa batok niya kaya napasobsob si Brix sa babae at sakto sa Chocolate Hill naman talaga. Agad naramdaman ni Brix na titilaok ang manok ni San Pedro kaya medyo nanikip ang pantalon niya.






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ulasan-ulasan