ZANDRONang magsara ang pinto ng study room pagkalabas ni Mayumi, naiwan akong nakatayo sa harap ng mesa habang hawak ang mga magazine na inilapag ni Mom. Pero ang totoo, wala sa mga disenyo ng suit ang isip ko. Nakatitig lang ako sa kahoy na pinto, nararamdaman pa rin ang kakaibang enerhiya na naiwan sa silid matapos ang biglaang pagpasok ni Mom."Zandro, nakikinig ka ba? Sabi ko, mas babagay sa'yo itong navy blue para terno kay Katrina," boses ni Mom, medyo matinis at halatang naiinis na dahil hindi ako sumasagot."Kahit ano, Mom. Kayo na ang bahala ni Joel," maikli kong sagot sabay upo sa swivel chair ko.Huminga ako nang malalim at napasandal. Sa totoo lang, simula nung nakaraang linggo, nag-iba ang takbo ng buhay ko rito sa mansyon. Noong unang araw na nakita ko si Mayumi sa coffee shop, galit na galit ako. Nawawala si Sebastian, at ang unang pumasok sa isip ko ay baka kasabwat siya ng ex-wife ko na si Samantha para itakas ang anak ko. Sanay na ako sa mundong puno ng traydor at o
Last Updated : 2026-07-19 Read more