"Okay, okay, fine. No more teasing," pagbuko ni Anne habang itinataas ang dalawang kamay na tila sumusuko, ngunit ang mapaglarong kislap sa kaniyang mga mata ay hindi nawala. Muli niyang binuhat si Lauren sa kaniyang mga braso, binabalewala ang mahinang protesta ng dalaga. Dinala niya ito pabalik sa silid kung saan ang kama ay nananatiling magulo—isang piping paalala ng kanilang nag-aalab na gabi. Marahan niyang ibinaba si Lauren sa malambot na kutson at mabilis na sumunod sa tabi nito, isinasara ang space sa pagitan nilang dalawa. "Anne, seryoso ako, kailangan ko nang matulog," babala ni Lauren, pilit na pinatitigas ang boses habang isinasandal ang kaniyang ulo sa unan. Subalit hindi siya pinakinggan ng propesor. Gumapang si Anne paitaas, her body hovering over Lauren's, habang ang kaniyang silk robe ay bahagyang bumukas pa lalo. Isang pilyong ngiti ang sumilay sa mga labi ng Montgomery woman habang dahan-dahang idinidikit ang kaniyang mukha sa leeg ni Lauren, nag-iiwan ng m
最後更新 : 2026-07-10 閱讀更多