Kora's POV Mabilis kong naramdaman ang pagkaubos ng kulay sa mukha ko habang hawak-hawak ko 'yung papel sa likod ko. Grabe 'yung kabog ng dibdib ko, parang sasabog sa tindi ng kaba. Bakit ba kasi ang bilis bumalik ng lalaking 'to? Akala ko ba sa kabilang building ang punta niya at aabutin siya ng dalawang oras? Dahan-dahan siyang humakbang pumasok sa loob ng opisina. Bawat tunog ng sapatos niya sa sahig, parang bawas sa natitirang lakas ng mga tuhod ko. Matalas, madilim, at mariin ang tingin niya, diretso sa akin, habang nilalaro niya sa mga daliri niya 'yung gold pen na naiwan niya. May kung anong panganib sa awra niya ngayon na nagpapabilis ng hininga ko. "What are you doing?" mababa, paos, at malamig niyang tanong. "Ah... eh, Sir," napalunok ako, pilit na pinapakalma 'yung boses ko kahit nanginginig na ang buong pagkatao ko. "Ano... inaayos ko lang po 'yung mga magulong folder sa desk niyo. Sabi niyo po kasi ayusin ko 'yung schedule, kaya naisip ko na rin na iligpit 'yung mga na
Última actualización : 2026-07-13 Leer más