GEORGINA VALDEZLiteral na huminto ang mundo ko nang makita ko ang mukha ng lalakeng pumasok sa pinto. Si Kenneth. Naka-navy blue suit siya, maayos ang buhok, at may hawak na mamahaling paper bag. Yung ex kong walang hiyang ipinagpalit ako sa iba dahil lang sa pera. Ngayon, andito siya sa harap ko, nakatayo sa mamahaling restaurant na ’to, at mukhang naging tuod din nang magtama ang mga mata naming dalawa."Kenneth, finally! You’re here," masiglang bati ni Samantha. Tumayo pa siya para salubungin ito, halatang-halata ang kislap ng tagumpay sa mga mata niya. Lumingon siya sa buong lamesa, lalo na sa akin. "Guys, this is Kenneth. Ang bagong marketing consultant ng Cruz Holdings. At sa pagkakaalam ko, magkakilala na kayo ni Georgina, right?"Naramdaman ko ang biglang paglamig ng kamay ni Alejandro sa ibabaw ng tuhod ko. Bahagya siyang umayos ng upo, at kahit hindi ko siya lingunin, alam kong nagbago na naman ang aura niya. Naging parang yelo sa so
Last Updated : 2026-07-16 Read more