"Ma, wala rin akong pera," mahinang wika ni Jasper."Diyos ko naman, Jasper. Mag-asawa kayo! Paanong wala kayong ganyang kalaking savings? Bakit pa kayo parehong nagtatrabaho kung laging butas ang bulsa niyo? Kung wala ring natitirang pera sa katapusan ng buwan, mas mabuti pang isa na lang sa inyo ang magtrabaho!"Hindi kailanman maiintindihan ni Olivia ang logic ni Rosana. Para sa kanyang biyenan, ang "pagtatrabaho" ay isa lamang paraan para masiguro na tuwing hihingi siya ng pera, mahiwagang may madudukot ang anak niya."Manager ka na ngayon, at ikaw na rin ang nagsabing napakalaki ng sahod ni Olivia. Wala pa kayong anak, kaya ano pang silbi ng pag-iipon niyan? Hindi pagpapala ang tawag diyan kundi pagdadamot sa magulang mo, Jasper.""Opo, Ma. Gagawa ako ng paraan para makakuha ang pera," pagsuko ni Jasper."Ayan, kung gusto mong magkaroon ng malaking biyaya, kailangan mong tulungan ang mga magulang mo."Tumango na lamang si Jasper. Ngayong buwan pa lang, nakulimbat na ng kanyang ina
Read more