Lunes na ulit, at bumalik na kami sa trabaho matapos ang halos isang buwang pananatili sa bahay. Medyo maaga pa nang dumating kami sa opisina. Inaayos ko ang mga papeles sa mesa nang tawagin ako ni Ethan."Atasha, please bring these documents to the Engineering Department. These are important files, so make sure you hand them directly to the department head," sambit niya habang iniabot ang makapal na folder."Noted, Sir. Ako nang bahala rito," nakangiting sagot ko sabay kuha ng folder.Naglakad ako palabas ng opisina namin para pumunta sa kabilang panig ng palapag kung nasaan ang Engineering Department. Habang naglalakad ay biglang may naramdaman akong madulas na natapakan. Muntik na akong matumba kaya sa gulat ko ay biglang nadulas ang folder sa mga kamay ko, dahilan para magkalat ang lahat ng papel sa sahig."Hala," bulong ko sa sarili habang mabilis na lumuhod para pulutin ang mga nagkalat na papeles.Napaangat ako ng tingin nang may makita akong isang kamay na dumampot din sa mga
Last Updated : 2026-07-19 Read more