LOGINFive years after leaving the man she loved, Atasha Gonzales is living a simple life with her four-year-old son, Aiden Sebastian. Everything changes when the land that keeps her family alive is sold to a new owner. Desperate to save it, she comes face to face with Ethan Morris, the man she left behind and the first love she never forgot. Believing Ethan only wants revenge for the past, Atasha accepts a deal that forces her back into his life. While she struggles to protect her heart, Ethan plans to make her fall in love with him again, only to leave her the way he believes she once left him. Little does Ethan know that Atasha never betrayed him. She walked away to protect his future while carrying a secret that could change both their lives forever. As old wounds reopen and hidden truths come to light, will love be enough to heal the past, or will revenge destroy the second chance they never had?
View MoreHindi ko na namalayan kung ilang oras akong nakasakay sa siksikan na jeep at sumakay pa ng tricycle papunta sa lugar na kailanman ay hindi ko pa napuntahan. Alam kong malaki ang problema na haharapin ko ngayon, pero wala na akong iba pang pagpipilian. Ang lupang iyon ang tanging buhay namin ang tanging pinagkukunan ng pagkain, gamot, at pangangailangan ng pamilya ko. Kapag nawala ito sa amin ay wala na kaming matatakbuhan pa. Kaya kahit nanginginig ang tuhod at kinakabahan ay ipinagpatuloy ko ang paghakbang papasok sa malaking gate ng mansyon na tila humaharang sa akin.
Hindi pa man ako tuluyang nakakalapit ay may dalawang malalaking lalaki agad ang humarang sa daanan ko. Nakasuot sila ng maayos na uniporme at seryoso ang mga mukha, halatang handang itaboy ang sinumang hindi inaasahan na dadating. “Teka lang po, Miss. Sino po kayo at anong sadya ninyo rito?” tanong ng isa sa kanila sa matigas ang boses.aa Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko, kahit na sa loob-loob ko ay parang sasabog na ako sa halo-halong takot, kaba, at galit. “I’m Atasha Gonzales. Kailangan kong makausap yung may-ari ng lupa, iyong bagong bumili ng sakahan na dating sa amin. Mahalaga po ang sasabihin ko, kaya naman pakiusap, papasukin niyo ako.” Umiling agad ang kausap ko. “Pasensya na po, Miss. Walang paanyaya, walang pagpasok. Sabihin niyo na lang po kung ano ang gusto niyo at kami na ang bahalang magsabi.” “Masyadong mahalaga ito para lang ipaabot ito sa inyo!” tumaas nang tuluyan ang boses ko, hindi na napigilan ang galit. “Ang lupang iyon ang kabuhayan namin! Kung kukunin iyon nang walang babala, mawawalan kami ng tirahan at pagkain. Kaya pakiusap, hayaan niyo na akong makausap siya nang personal!” Lumapit pa nang kaunti ang isa pang guwardiya, nakakunot ang noo. “Pasensya na talaga, pero hindi pwede. Bumalik na lang po kayo kung pinapapapunta kayo. Sa ngayon ay umalis na lang po kayo bago pa kaming mapilitin na isama kayo palabas nang hindi maganda.” Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko, hindi lang dahil sa init ng araw kundi dahil sa bigat ng sitwasyon. Ilang linggo na kaming nababalisa. Noong nalaman namin na nabenta na pala ang lupang ginagamit namin nang mahigit dalawang henerasyon, parang gumuho ang mundo namin. Sinubukan naming makipag-ugnayan sa dating naghawak, pero sinabi nilang wala na silang kapangyarihan dahil naisalin na ang titulo sa bagong may-ari. Kaya ito na ang huling pagkakataon ko, ang huling pag-asa ko. Kung itataboy nila ako ngayon, wala na kaming matitirang pagkakataon pa. “Hindi ako aalis hangga’t hindi ko nakakausap ang may-ari!” sigaw ko, at naramdaman kong nagsisimula nang mamuo ang luha sa gilid ng mga mata ko. “Ang lupang iyon ay bahagi ng pagkatao ng pamilya ko! Kung may puso man ang may-ari dito, makikinig siya sa kwento namin!” Dahil sa tindi ng aking paninindigan at sigaw, napatingin ang mga tauhan sa isa’t isa, tila nag-aalinlangan kung ano ang gagawin. Ilang sandali pa ay may isang babae na mukhang tagapamahala ang lumabas mula sa loob ng gate at lumapit sa amin. Tahimik niya akong tiningnan mula ulo hanggang paa bago nagsalita nang mas mahinahon. “Pumasok ka na. Sasamahan ko kayo sa opisina ni Sir, pero huwag kang maingay o gumawa ng gulo, naiintindihan mo ba?” Nakangiting tumango agad ako, kahit na ang kaba sa dibdib ko ay lalong lumakas. “Salamat. Maraming salamat po.” Habang tinatahak namin ang malawak na daan papasok sa loob ng mansion ay halos hindi ko maigalaw ang aking mga mata sa paligid. Napakalaki ng lugar na ito, maayos ang mga halaman, pulido ang mga sementadong daanan, at ang mismong bahay ay parang palasyo kumpara sa maliit na bahay na tinitirhan namin sa sakahan. Dito ko lalong naramdaman ang malaking agwat ng aming mga buhay. Ang taong bumili ng lupa namin ay mayaman, makapangyarihan, at siguradong hindi mararamdaman ang bigat ng kahirapang dinaranas namin. Pero kailangan kong ipaglaban ang karapatan namin kahit sa huling pagkakataon. Pagdating sa p***o ng malaking kwarto sa ikalawang palapag ng mansion ay kumatok nang mahina ang kasama ko at binuksan ito pagkatapos marinig ang sagot mula sa loob. “Sir, may bisita po na nais makausap kayo.” Nang umalis ang babae ay dahan-dahan akong pumasok at sinira ang p***o. Pagkaharap ko ay nagtagpo ang mga mata namin ng lalaking nakaupo sa harap ng kaniyang desk, natigilan ako. Parang saglit lang ay tumigil ang ikot ng mundo ko at tila bumigat ang dibdib ko sa nakita. Hindi ito pwedeng mangyari. Imposible ito. Nandoon siya, nakasuot ng maayos na puting polo na nakabukas ang unang dalawang butones, nakasandal nang komportable sa kaniyang swivel chair at may hawak na baso ng alak habang diretso ang tingin sa akin. Ang mukhang iyon, ang tindig, at ang kulay ng mga mata na minsan ay puno ng pagmamahal para sa akin noon ay siya pa rin. Walang ibang maaaring tao na maging siya kung hindi si Ethan Morris lang. Ang lalaking minahal ko nang buong-buo at ang lalaking iniwan ko limang taon na ang nakakaraan. Sa pagtatagpo ng mga mata namin ay gulat ang unang nabasa ko sa mga nata niya ngunit mabilis itong napalitan ng galit at puot. Ibinaba niya ang baso at umayos ng upo. Tumitig ito sa akin na parang isang estranghero na hinding-hindi niya gugustuhing makita. “Atasha…” seryoso niyang pagtawag sa pangalan ko. “What are you doing here? And how did you know where I was?” Kinailangan ko pang kumapit sa gilid ng p***o para lang hindi ako matumba. Gusto kong sumigaw, gusto kong umiyak, pero pinigilan ko ang sarili ko. Dito ko naintindihan kung bakit bigla na lang nabenta ang lupa. Kung siya ang may-ari ngayon ay maliwanag na para sa akin kung bakit nangyayari ang lahat ng ito. “Kaya pala...” bulong ko. Ramdam ko ang panginginig ng sarili kong boses habang nakakapit sa gilid ng p***o. “Ikaw ang bumili ng lupa namin. Ikaw ang dahilan kung bakit ngayon ay malapit nang mawala ang kabuhayan ng pamilya ko. Bakit, Ethan? Bakit mo binili ang lupang iyon?” Tinaasan niya ako ng kilay, walang bakas ng kahit anong emosyon ang mukha niya maliban sa parang wala siyang pakialam. “Simple lang ang sagot. It was offered to me, I had the money, so I bought it. That’s business, Atasha. Pure business.” Isang mapaklang tawa ang kumawala sa aking mga labi dahil sa galit. “Pure business lang ba talaga ‘yan? O baka naman binili mo para maghiganti ka sakin? Para ipakita sa akin na ano? Na mas mataas ka na ngayon, na kontrolado mo na ang buhay ko matapos ang lahat ng nangyari noon? Alam kong galit ka pa rin sa akin, kaya ba ito iyong paraan mo para saktan ako pabalik, ‘di ba?” Tumayo siya mula sa kaniyang swivel chair at dahan-dahang lumapit sa akin. Sa bawat hakbang niya ay lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. Sobrang pamilyar ng amoy niya at sa halip na kumalma ay lalo lang akong kinabahan. Tumigil siya nang ilang hakbang na lang ang layo sa akin at diretsong tumingin sa aking mga mata na parang minamaliit ako sa titig na iyon. “Revenge? Why would I waste my time and money just to get back at someone who cheated on me years ago?” mapang-asar niyang binalik ang tanong sa akin. “Sa tingin mo ba ay ganoon ka pa rin kahalaga sa akin para paglaanan ko ng ganitong kalaking atensyon? Huwag mong masyadong bilhin ang sarili mo, Atasha. Kung nandito ka lang para makipagtalo at magbintang, better leave now. Wala kang mapapala sa pagpunta mo rito.” Gusto kong ipagtanggol ang sarili ko, gusto kong sabihin sa kaniya ang buong katotohanan, pero alam kong hindi ito ang tamang oras dahil siguradong hindi naman siya maniniwala sa akin. Kung magagalit siya lalo, baka lalo lang niyang ipagkait sa amin ang lupang kailangan namin. Pumasok agad sa isipan ko ang anak ko, ang munting mukha niya na umaasa sa akin. Kaya kahit nakakababa ng dignidad at kahit masakit sa puso ko ay ibinaba ko ang aking tingin at unti-unting yumuko. Hindi ko alintana ang luha na tuluyang pumatak mula sa aking mga mata. “Tama ka… wala akong karapatang magbintang nang ganoon. Pero pakiusap, Ethan… hinihiling ko sa’yo. Huwag mo namang kunin sa amin ang lupang iyon. Iyon lang ang tanging pag-asa namin. Kung aalisin mo iyon, wala na kaming matitirang mapagkukunan ng kabuhayan. Magmakaawa ako sa’yo—gagawin ko ang kahit ano, basta huwag lang mawala ang lupa sa amin.” Bumalot ang matinding katahimikan sa loob ng opisina niya at tanging ang mahina kong paghikbi lang ang naririnig. Nang lakasan ko ang loob kong itaas ang aking tingin ay nakita kong pinagmamasdan niya ako na para bang pinag-aaralan niya kung hanggang saan ang kaya kong gawin. May mapaglarong ngiti sa kaniyang mga labi na tila ba nag-e-enjoy siyang makita akong nagmamakaawa sa harap niya. “Anything?” ulit niya habang nakatitig nang diretso sa akin. “Are you sure you can do everything just to keep that land? Kahit ano? Walang kang reklamo kahit ano pang ipagawa ko sa’yo?” Tumango ako nang mariin at pinunasan ang luha gamit ang likod ng aking palad. “Y-yes. Kahit anong hilingin mo ay gagawin ko. Basta ba ay hindi iyon lalabag sa pagkatao ko. Wala na akong iba pang hihilingin sa iyo.” Ilang segundo muna siyang natahimik bago muling nagsalita. Naroon pa rin ang mapaglarong ngiti sa kaniyang mga labi, ang ngiting alam kong ibig sabihin ay hawak niya ako at iyon ang gumuhit ng matinding kaba sa buong pagkatao ko. Lumapit pa siya nang kaunti hanggang sa halos magka-dikit na lang kami, sapat na para mas lalo akong mabalisa sa lapit niya. “Very well then. I agree with your request. You can keep using the land… but on one condition.” Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi niya, kahit alam ko namang may mabigat na kapalit ang lahat ng iyon. “Ano ang kondisyon mo? Sabihin mo lang at gagawin ko.” Tumingin siya nang diretso sa aking mga mata, walang pag-aalinlangan at diretsong sinabi ang mga salitang tumigil sa pag-ikot ng mundo ko sa sandaling iyon. “The condition… is you, Atasha. You will be the one to stay here, with me.”Limang araw na ang lumipas mula noong naging secretary ako ni Ethan. Sa loob ng limang araw na iyon, halos hindi niya ako kinakausap nang maayos. Panay pa rin ang utos niya sakin at panay rin ang paghahanap niya ng butas sa bawat ginagawa ko. Pakiramdam ko ay laging may mali sa akin sa paningin niya. Ngayon ang araw ng pahinga ko. Matagal ko nang pinangakuan si Aiden na ilalabas ko siya kapag wala akong pasok. Kaya dinala ko siya sa maliit na coffee shop na pag‑aari ni Melva, ang matalik kong kaibigan mula pa noong highschool pa lang kami. Maganda at tahimik ang lugar. Hindi masyadong matao kaya magandang tambayan. Umupo kami sa mesa pinakadulong bahagi malapit sa bintana. “Mama… gusto ko ng mango milkshake,” sabi agad ni Aiden habang nakatingin sa menu sa harap niya. “Sige, bibilhin natin ‘yon. Gusto mo rin ba ng masarap na tinapay?” sagot ko sa kanya. “Opo, Mama! Pwede ko rin po bang gamitin ang bagong tablet ko?” tanong niya. Oo, bagong tablet. Bigay iyon sa kaniya ni Ethan,
Isang buong linggo na ang lumipas mula noong araw na sinabi kong sana ay huwag nang maulit ang nangyari sa pagitan namin. Mula noon, talagang hindi na ako muling kinausap o pinansin ni Ethan. Para akong hangin sa paningin niya sa loob ng bahay. Si Aiden lang ang tanging binibigyan niya ng pansin, kinakausap, at minsan ay naglalaro pa sila bago matulog. Ako naman ay parang hindi niya nakikita kahit magkaharap pa kami.Hindi rin kami sabay umalis papunta sa kumpanya. Nauna nang umalis si Ethan nang napaka‑aga bago pa man ako tuluyang makabangon. Buti na lang ay may driver siyang inatasan na maghatid sakin ml.Naiwan naman si Aiden sa mansyon sa maayos at magandang kalagayan. May sarili siyang malawak na playroom na puno ng mga laruan at mayroon din siyang tagapag‑alaga na nagbabantay sa kaniya kaya sigurado akong hindi siya magiging malungkot habang wala kami.Ngayon ang aking unang araw bilang kanyang personal secretary. Nagtaka kung bakit wala ang table sa labas ng office niya kaya pa
Kinabukasan, diretso akong bumaba papunta sa kusina sa first floor. Ramdam ko pa rin ang kakaibang pakiramdam at pagod mula sa nangyari sa amin kagabi dahil hindi lang basta halik ang namagitan sa amin, kaya mas lalo akong hindi mapakali. Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Ethan ngayong umaga pagkatapos ng gabing iyon. Pagdating ko sa kusina ay nakita kong magkatabi na silang dalawa ni Aiden sa hapag, mukhang komportable na sa isa't isa habang kumakain. Nagtaka pa ako kung paano sila naging ganoon kabilis magkasundo gayong ilang araw pa lang simula noong magkakilala sila. Nang tuluyan akong makalapit, doon ko naramdaman ang biglang pananahimik sa paligid at ang mabigat na tensyon sa pagitan namin ni Ethan. "Good morning," bati ko para basagin ang katahimikan bago umupo sa kabilang dulo ng mesa para lumayo nang kaunti sa kaniya. "Mama! Gising ka na po!" masiglang sigaw ni Aiden sabay kaway gamit ang maliliit niyang kamay. "Bakit ang tagal mo po bumaba? Gutom na po ako kanin
Lumipas ang dalawang araw mula noong gabing iyon sa kwarto, pero tila nakaukit pa rin sa isip ko ang lahat ng nangyari. Ang halik ni Ethan at ang pagkakahiya na tila dala-dala ko kahit saan ako magpunta. Sa loob ng dalawang araw ding iyon, hindi ko man lang siya nakita sa mansyon. Walang paalam, walang text, walang balita-wala. Hindi ko alam kung nasaan siya o kung ano ang ginagawa niya pero sa kaloob-looban ko, hindi ko maikaila na may bahagi pa ng aking sarili na naghihintay na bumalik siya.Ngayong Lunes ng umaga ay nasa opisina niya ako sa loob ng mansyon nang biglang tumunog ang cellphone ko. Si Ethan ang tumawag. Maikli lang naman ang usapan, inutusan niya akong kunin ang ilang mahahalagang document at isang flashdrive mula sa kanyang drawer at dalhin ito sa kanya sa main office."Dalhin mo agad dito," ang huling sinabi niya bago ibaba ang tawag.Sumunod ako agad sa mga sinabi niya at sumakay sa sasakyang naghihintay para sa akin. Habang nasa byahe ay hindi ko mapigilang mag-isi












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.