Tskkk…I’m done eating, pero wala pa rin siya. Iritado kong bulong sa sarili.Napairap ako habang nakatingin sa cellphone kong nakapatong sa mesa.Hayss. Saan na ba kasi si Havoc?Dahil hindi pa rin siya dumarating, sinubukan ko na naman siyang tawagan. Ilang segundo akong naghintay, pero tulad kanina, walang sagot.Kumunot ang noo ko sa inis. Pero agad ko ring pinakalma ang sarili ko.Hindi ko naman siya masisisi. Malalim na rin ang gabi, at baka pagod na siya o may ginagawa pa sa bahay.Napabuntong-hininga ako.Humph… bahala ka nga diyan. Matutulog na lang ako. Bulong ko sa sarili ko bago inis na tumayo mula sa sofa.Dahan-dahan akong nagtungo sa kwarto ko, iniwan kong bukas ang ilaw sa sala. Pagkapasok ko sa kwarto, pinatay ko na rin ang ilaw bago humilata sa kama.Bagama’t medyo masama ang loob ko kay Havoc dahil hindi siya pumunta, hindi ko rin napigilan ang sarili kong antukin.Maya-maya, tuluyan na akong nakatulog.Hindi ko alam kung gaano na katagal ang lumipas nang bigla akon
آخر تحديث : 2026-10-02 اقرأ المزيد