Ilang sandali lamang ay marahan kong inilapag sa ibabaw ng aking mesa ang mga papeles na ibinigay sa akin ni Havoc. Napabuntong-hininga ako habang tinitingnan ang dami ng dokumentong kailangan kong ayusin. Pero bago pa man ako makapagsimulang magtrabaho, hindi ko sinasadyang napalingon sa kabilang bahagi ng opisina. Nandoon si Havoc, tahimik siyang nakaupo sa kaniyang mesa at wala siyang ginagawa. Hindi rin siya nakaharap sa computer o abala sa pagbabasa ng anumang dokumento. Sa halip, nakatitig lamang siya sa kawalan na para bang may malalim na iniisip. Napakurap ako. This is the first time I've seen him like this. Karaniwan, palagi siyang abala. Kahit sa mga oras na halos lahat ng tao sa opisina ay nagpapahinga, tila laging may ginagawa si Havoc. Pero ngayon...Parang wala siya sa sarili niya. Napatingin ako sa kaniyang mukha, pilit na hinahanap kung ano ang dahilan ng ganoong ekspresyon niya. May nangyari kaya sa kanila ng asawa niya? Hindi ko alam kung bakit, pero bigla a
Last Updated : 2026-09-06 Read more