Halos isang buwan na ang lumipas mula nang tuluyang umalis si Amara sa mansiyon. Sa loob ng panahong iyon, marami na ang nagbago. Mas naging maayos ang takbo ng AI project sa research center, at dahil sa malaking ambag ni Amara, nagsimula ring mapansin ang pangalan niya sa iba't ibang kumpanya. Hindi na lang siya kilala bilang dating asawa ni Leandro. Unti-unti na siyang kinikilala dahil sa sarili niyang kakayahan. Nang araw na iyon, inimbitahan sina Professor Adrian, Amara, at ilang miyembro ng research team sa isang business and technology summit. Naroon ang malalaking investors, CEOs, at mga kilalang tao sa industriya. Maaga silang dumating sa hotel kung saan ginaganap ang event. Suot ni Amara ang isang simpleng navy blue na dress na hanggang tuhod, pares ng nude heels, at isang manipis na silver bracelet. Nakalugay ang mahaba niyang buhok at magaan lang ang makeup niya. Hindi siya nakabihis para magpasikat. Nais lang niyang magmukhang propesyonal. Pagpasok nila sa ballroom,
Last Updated : 2026-07-21 Read more