Claimed By My Ex-Husband's Ruthless Brother

Claimed By My Ex-Husband's Ruthless Brother

last updateLast Updated : 2026-07-16
By:  BellianneUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
6Chapters
4views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Sa araw mismo na nakunan si Amara ay sa halip na magdalamhati kasama niya ang asawang si Leandro ay abala pa ito sa pagsalubong sa babaeng kauuwi lang na matagal na nitong minahal. Sa loob ng tatlong taon, ibinigay ni Amara ang lahat pero para kay Leandro ay isa lamang siyang asawa sa papel. Nang matauhan si Amara ay pinili niyang makipag-divorce at akala ng lahat ay babalik siya tulad ng dati pero nagkamali sila dahil matapos ang divorce ay muli niyang inayos ang nawasak na sarili. Unti-unti siyang nakilala bilang isa sa mga pinakamagaling na negosyante sa bansa at nang mapansin ni Leandro na hindi na siya nito binalikan ay saka lang nito na-realize ang tunay nararamdaman para kay Amara. At sa muli nilang pagkikita, desperado niya itong akmang lalapitan ngunit bago pa siya makalapit ay humarang si Lucian at malaking sampal sa kanya ang sinabi nito. "Stay away from my wife, wala kang karapatang lapitan ang dating asawa na inabandona mo para sa ibang babae, now that she’s my wife you have no right to come close to her.”

View More

Chapter 1

CHAPTER 1

Sa mismong araw na nakunan si Amara, sa halip na samahan siya ng asawa niyang si Leandro sa pagdadalamhati ay abala pa ito sa pagsalubong sa babaeng matagal na nitong minamahal na kauuwi lang ng bansa.

Tahimik na nakaupo si Amara sa loob ng ospital habang hinihintay ang resulta ng lab results nang dumating ang doktor ay walang emosyon ang boses nitong nagsalita.

"Misis dahil sa nangyari nagkaroon ng malaking problema sa ovary mo at ikinalulungkot kong sabihin na wala na ang baby mo, pero posible ka pang magkaanak in the future pero napakaliit na ng chance.”

Parang nabingi si Amara sa narinig, tatlong taon siyang naghintay bago mabuntis at ngayong dalawang buwan na ang sanggol na nasa sunapupunan niya saka ito nawala sa isang iglap.

Kung hindi sana siya nawalan ng balanse at hindi bumagsak sa sahig hindi ay hindi sana siya nakunan.

"Misis?" muling tawag ng doktor sa kanya.

Huminga ng malalim si Amara bago pilit na ngumiti. "Naiintindihan ko po. Maraming salamat, Dok."

Ayaw na niyang makita pa ng ibang tao ang kahinaan niya, tahimik siyang tumayo at lumabas ng silid.

Sa daan palabas ay dinig niya ang pag-uusap ng dalawang nurse.

"Bakit hindi niya kasama ang asawa niya? Nakunan siya pero ni hindi man lang ito dumating.” Dinig niya bulong ng isang nurse.

"Huwag ka ng magtaka, bago pa man alisin kanina ang sanggol sa sinapupunan niya ay panay ang tawag niya sa asawa niya pero hindi siya sinasagot ni hindi lang nagpunta." Dugtong pa ng isang nurse na kasama nito.

Pinili na lamang ni Amara ang umalis dahil isang malaking sampal lamang iyon sa kanya.

Nang tawagan niya ito kanina ay mas nasaktan lang siya sa narinig na sinabi nito.

"Wala na ang baby natin, ano pa bang iniiyak mo? Busy ako ngayon kaya huwag mo akong istorbohin.” Tanging sinabi nito at basta na lang siyang pinatayan ng tawag.

Sa loob ng tatlong taon nilang pagsasama ay ganoon na ang ugali ni Leandro ngunit umaasa pa rin si Amara na balang araw ay mamahalin din siya nito ngunit ngayon, tuluyan na siyang nagising sa katotohanan.

Iniligtas niya noon ang buhay ng lolo ni Leandro at bilang pasasalamat nito ay ipinagkasundo ng matanda ang kasal nilang dalawa kung hindi dahil doon, hinding-hindi siya matatali kay Leandro.

Umpisa pa lang ay malinaw ng labag sa loob ni Leandro ang kasal nila kaya ngayong nakabalik na ang babaeng tunay nitong mahal mula noon ay wala na siyang dahilan para manatili pa.

Habang palabas ng ospital ay tumunog ang kanyang cellphone, nang tignan niya ay mula iyon kay Marco, ang matalik na kaibigan ni Leandro.

Isa iyong video at pagkabukas niya nito ay bumungad ang napakalaking bouquet ng pulang rosas, kasunod nitong lumitaw ay si Leandro at sa tabi nito ay ang babaeng matagal na niyang kinatatakutan na muling bumalik, si Samantha.

Nanikip ang dibdib ni Amara, parang may matalim na bagay na unti-unting tumarak sa kanyang puso.

Dinig niya ang tawanan ng mga taong nasa video. "Samantha! Alam ni Leandro na ngayong araw ang balik mo kaya pinaghandaan niya talaga!”

"Yakapin mo naman siya!" Tudyo ng isa sa mga kasama nila.

"Yakap lang? Halikan mo na!" Pilyong singit ni Marco.

Nahihiya namang ngumiti si Samantha. "Ano? Hindi na, nakakahiya naman."

Ngunit bago pa ito makaiwas, kusa na itong niyakap ni Leandro bago mahina ngunit puno ng lambing ang boses itong nagsalita. "Welcome home."

At doon na natapos ang video. At ilang segundo lang ay muling nag-text si Marco. "Pasensya na, maling tao pala ang napagsendan ko."

Ito pala ang dahilan kung bakit hindi siya masamahan ni Leandro sa ospital. Habang siya ay nagluluksa sa pagkawala ng anak ito naman ay abala sa pagsalubong sa babaeng tunay nitong mahal.

Panahon na siguro para bitawan ang isang pag-ibig na kailanman ay hindi naging para sa kanya. Pagkauwi niya sa mansiyon ay tahimik niyang inilabas ang isang maleta at sa loob lang ng tatlumpung minuto ay tapos na siyang mag-empake.

Ang gagawin na lamang niya ay hintayin ang pag-uwi ng kanyang asawa. Alas-dos na ng madaling-araw nang bumukas ang pintuan, pagpasok ni Leandro, nagtama ang kanilang mga mata. Hindi na ito nagulat dahil sanay na itong madatnan siyang naghihintay gabi-gabi.

"Katatapos mo lang makunan, bakit hindi ka pa nagpapahinga?" malamig na boses nitong tanong.

"Hinihintay kita." Seryoso ding sagot ni Amara.

Nang makalapit ang lalaki sa gawi niya ay naamoy ni Amara ang matapang na alak at ang pabango ng ibang babae. Napatingin siya sa kuwelyo ng suoy nitong puting polo, agad niyang napansin na may bahid iyon ng lipstick maging sa leeg nito.

Napatingin si Leandro sa maleta niya na nasa gilid saka ito nagtanong. "Nakita mo ang video na sinend ni Marco?"

"Oo." Tahimik na sagot ni Amara.

"Kung gano’n ay maghiwalay na tayo. Alam mo namang mula pa noon na kung hindi lang umalis si Samantha, hinding-hindi kita papakasalan." Walang paawat nitong sabi sa kanya.

Pagod na siyang masaktan kaya sanay na sanay na siya at parang balewala na ‘yon sa kanya.

"Sige, pumapayag na ako.” Maikling sagot ni Amara dahilan para bahagyang matigilan si Leandro, hindi nito inaasahang ganoon lang siya kabilis na pumayag. "Napirmahan ko na rin ang divorce paper."

Itinuro ni Amara ang mga dokumentong nasa mesa. Tatlong taon nang hinihintay ng papel na iyon ang pirma niya at ngayon lang siya nagkaroon ng lakas ng loob na pirmahan iyon.

Napakunot noo si Leandro, parang hindi makapaniwala sa sinabi niya.

"Nga pala ay mayroon akong inihandang sabaw para sa hangover mo, nasa kusina." Nakasanayan na niyang alagaan ang lalaki ngunit ni minsan, hindi siya nakarinig ng papuri mula rito. "Aalis na ako." Sabi niya at tahimik na hinila ang maleta.

"Magpalipas ka muna rito ng gabi," sabi ni Leandro.

"Hindi na, salamat na lang." Hindi na siya muling lumingon pa at tuluyang umalis.

Pagkasara ng p***o ay tumunog ang cellphone ni Leandro, si Marco ang tumatawag. "Nakauwi ka na ba? Nabanggit ba ni Amara ang tungkol sa video, nakita niya?"

"Oo." Tipid na sagot ni Leandro.

"Ano'ng nangyari?" Usisa pang tanong ni Marco.

"Nakipag-divorce siya." Simpleng sagot at tila balewalang sagot ni Leandro sa kaibigan.

"Nakipag-divorce? Imposible ‘yan! Siya mismo? Akala ko ba kahit anong mangyari, hindi ka niyan iiwan."

"Ako mismo ang nagsabi na maghiwalay na kami, pumayag naman agad siya."

Natahimik si Marco at pagkatapos ay natawa. "Sigurado akong babalik din iyon bukas, hindi niya kayang mawala ka."

Napatingin si Leandro sa nakasarang p***o, dinig niya ang makina ng sasakyang papalayo.

"Bukas ng umaga paniguradong babalik din siya." Mariing sabi niya sa walang emosyong boses.

Ngunit ang hindi niya alam ay iyon na pala ang huling pagkakataong makita niya si Amara bilang asawa.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
6 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status