Mabilis akong bumangon mula sa kama at tumayo nang hindi inaalis ang tingin ko sa kanya. Kumunot ang noo ko habang nililibot ang tingin sa hindi pamilyar na silid. Then, like a flood breaking through a dam, biglang rumagasa sa isip ko ang mga alaala ng nangyari kagabi.Naalala ko kung paano ako binuhat ni Kieran at dinala sa sasakyan niya, kung gaano ako nahilo hanggang sa tuluyan akong nakatulog nang hindi ko namamalayan. Everything after that had been a blur, at ngayon ay nagising ako sa isang silid na hindi ko inakalang makikita ko pang muli.“Relax,” sabi ni Kieran, kalmado ang boses na halos ikatawa ako.Relax?With him standing there, paano niya ine-expect na magre-relax ako?“With you here, how can I relax?” balik ko, bahagyang kumipot ang mga mata ko habang tinitigan siya. “Where’s my bag and my car key?”Mariing pinagdikit ni Kieran ang mga labi niya bago dahan-dahan na ring bumangon mula sa kama. Nasa magkabilang panig kami ng kama nakatayo, pero kahit may distansiya sa pagit
Última actualización : 2026-10-05 Leer más