Tatlong araw na ang lumipas mula nang mangyari ang insidente sa hospital. Karamihan ng oras ko ay ginugugol ko lang sa loob ng kuwarto, nananahimik at umiiwas sa anumang hindi kailangang interaction sa mga taong nakapaligid sa akin.Hindi ko na nga rin ginagawang lumabas para magpahangin, na para bang ang pananatili sa loob ng apat na sulok ng bedroom ko ay kahit paano ay makapoprotekta sa akin mula sa sakit na matagal ko nang dinadala.Siyempre, nagkikita pa rin kami ni Kieran. Magkasama kami sa iisang bahay, after all, kaya may mga pagkakataong nagkakasalubong kami sa hallway o kaya naman ay nagkakaharap sa dining table tuwing mealtime. Pero hindi na ako nagtatangkang magsimula ng conversation.Tuwing kinakausap niya ako habang nag-aalmusal, nagla-lunch, o nagdi-dinner, simpleng tango na lang ang isinasagot ko. Minsan, sinusulyapan ko siya sandali bago ibinabalik ang atensyon ko sa pagkain. Hindi ko na tinatanong kung saan siya pupunta, kung ano ang ginagawa niya, o kung anong oras
최신 업데이트 : 2026-09-21 더 보기