Mag-log in"Anak ko silang apat, and I want them. Kung gusto mong makasama sila, you have to live with me too."
view more“I'm so disappointed in you, Sadie. Apologize.”
Malamig at firm ang boses ni Kieran, at bawat salitang binitiwan niya ay punong-puno ng disappointment. Wala man lang warmth sa expression niya, ni kahit katiting na pagdududa sa sinabi ni Penelope.
“I didn't do—”
Hindi ko man lang natapos ang sasabihin ko nang bigla akong mapangiwi ng hinawakan ang braso ko. Bago pa ako makapagprotesta, hinihila na niya ako papunta kay Penelope, na kasalukuyang komportableng nakahiga sa kanyang hospital bed.
Napunta ang tingin ko sa ate ko. Maputla ang mukha niya, at may kumot na nakatakip sa ibabang bahagi ng katawan niya. May nakakabit ding IV line sa kamay niya. Medyo magulo ang buhok niya, habang bahagyang namumula ang paligid ng mga mata niya, na para bang kagagaling lang niya sa isang napakasamang karanasan.
But I know the truth.
Alam na alam ko kung ano ang nangyari sa pool, at alam ko ring sadyang binabaluktot ng babaeng nakahiga sa harapan ko ang katotohanan para palabasin na ako ang kontrabida sa sitwasyong ito.
“It's okay, Kieran. You don't have to do this,” malumanay na sabi ni Penelope, sapat ang panginginig ng boses niya para magmukhang kapani-paniwala. Itinaas pa niya ang isang kamay na para bang gusto niya akong ipagtanggol at pigilan si Kieran na maging masyadong harsh sa akin. “I'm sure hindi naman sinasadya ni Sadie. Medyo mahina lang talaga ang katawan ko, and I couldn't balance myself properly. That's why I ended up falling into the pool.”
Mahina siyang umubo bago suminghot, habang kumikislap ang mga mata niya na para bang pinipigilan niyang tumulo ang mga luha.
Kahit sino siguro ang makarinig sa kanya ay iisipin na ipinagtatanggol niya ako. Maniniwala silang isa siyang mabait at understanding na ate na handang magpatawad sa akin kahit ano pa ang nagawa ko raw sa kanya.
Pero malayo iyon sa katotohanan.
Hindi niya ako ipinagtatanggol. Gusto lang niyang magmukhang mas inosente sa paningin ng lahat habang sinisigurado niyang ako ang masisisi sa lahat ng nangyari.
Hindi ko siya itinulak sa pool.
Siya mismo ang tumalon doon.
Sadyang nagpahulog siya sa tubig para patunayan na kakampihan siya ng lahat. At base sa mga tingin sa akin ng mga magulang ko at ng fiancé ko na si Kieran, muli na naman siyang nagtagumpay.
“Stop defending her, Penelope. It's exactly the reason why she behaves like that,” agad na singhal ni Mommy, matalim ang boses at halatang iritado.
Lalong sumikip ang dibdib ko sa mga salitang iyon.
Yes, magkapatid kami ni Penelope. Iisa ang mga magulang namin, pareho ang dugo namin, at iisa ang apelyido naming Garcia.
Pero sa paningin ng pamilya Garcia, siya lang ang anak na tunay na mahalaga.
Ako? Isa lang akong unwanted addition, isang babaeng biglang sumulpot sa buhay nila matapos mawala nang labinlimang taon.
Ako ang bunso sa aming limang magkakapatid. May tatlo akong nakatatandang kuya, at kasunod nila si Penelope, ang pang-apat na anak sa pamilya. Siya ang nag-iisang anak na babae na kanilang pinalaki at minahal sa halos buong buhay nila, samantalang ako ang batang babaeng nawala noong tatlong taong gulang pa lang ako.
Naalala ko pa ang kuwento nila tungkol sa pagkawala ko.
Nasa family date daw kami noon nang saglit na mawala ang atensyon ng aking yaya sa akin. Sandali lang naman siyang napalingon, pero nang muli siyang tumingin sa akin, wala na ako sa tabi niya.
Just like that, naglaho ako.
Ayon sa kanila, sa loob ng labinlimang taon, hinanap ako ng pamilya ko. Labingwalong taong gulang na ako nang sa wakas ay natagpuan nila ako, at dalawang taon pa lang ang nakalilipas mula noon.
Pero hindi lang iisa ang dahilan kung bakit ganoon na lang sila kadesperadong hanapin ako.
May pangakong ginawa ang grandfather ko at ang grandfather ni Kieran.
Isang kasunduang balang araw ay magpapakasal kami ni Kieran.
Dahil doon, matapos ang napakahabang panahong pagkakahiwalay ko sa pamilya ko, bigla akong napunta sa marangyang mundo ng mga Garcia, kung saan halos lahat ay bago at hindi pamilyar sa akin.
Ngayon, dalawampung taong gulang na ako at katatapos ko lang ng internship. Naghahanda na rin ako para sa examination na kailangan kong ipasa upang maging isang ganap na licensed doctor.
Dapat ay exciting na panahon ito sa buhay ko. Isang pagkakataon para sa akin na sa wakas ay masilip ang magandang future na matagal kong gustong makamit.
Pero sa halip na maging masaya at fulfilled, madalas kong tanungin ang sarili ko kung may lugar ba talaga akong matatawag na akin.
Mula pa lang nang dumating ako sa tahanan ng mga Garcia, ramdam ko na agad ang pagkakaiba sa paraan ng pakikitungo nila sa akin. Para bang isa akong unrefined na babae na hinila mula sa isang liblib na probinsya at biglang inilagay sa mundong napakalayo sa nakasanayan ko.
Siguro, iniisip nilang masyado akong probinsiyana, simple, o sadyang malayo sa klase ng anak na inaasahan nila.
Nakikita ko iyon sa mga expression nila tuwing nagsasalita ako, at maging sa mga pagkakataong sinusubukan kong makisali sa mga conversation nila.
Gayunpaman, ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para matanggap nila ako.
Gusto kong malaman kung ano ang pakiramdam ng mahalin ng isang tunay na pamilya. Gusto kong maranasan ang warmth ng pagkakaroon ng mga magulang na nagmamalasakit sa akin, mga kapatid na handang ipagtanggol ako, at isang tahanang hindi ko kailangang patuloy na patunayan na karapat-dapat akong manatili roon.
Labinlimang taon akong nabuhay nang wala sila.
Kaya nang sa wakas ay natagpuan ko sila, inisip kong kaya kong bumawi sa lahat ng nawalang taon sa pamamagitan ng pagiging isang mabuting anak at kapatid.
Kaya tiniis ko ang masasakit nilang salita. Nilunok ko ang pride ko tuwing ipinaparatang sa akin ni Penelope ang mga bagay na hindi ko naman ginawa. Pinilit kong ngumiti kahit ang mga sinasabi nila ay nag-iiwan ng mga sugat na hindi nakikita, pero inaabot ng ilang araw bago tuluyang maghilom.
Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na magiging okay din ang lahat.
Maybe kailangan lang nila ng mas maraming panahon para makilala ako.
Maybe, kung patuloy akong magsisikap, sa wakas ay makikita rin nila akong tunay na parte ng pamilya.
Pero kahit anong pilit ko, walang nagbabago.
At hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lang ako kamuhian ni Penelope gayong wala naman akong ginawang dahilan para tratuhin niya ako nang ganoon.
Naputol ang mga iniisip ko nang muling magsalita si Kieran.
“Sadie, Penelope has been treating you kindly. Why did you have to do that?”
Pakiramdam ko ay sinampal ako ng tanong niya.
Dahan-dahan akong nagpaling ng tingin sa kanya, umaasang baka sa pagkakataong ito ay bigyan niya naman ako ng pagkakataong magpaliwanag. Baka mapansin niya kung gaano ako nasasaktan, o kahit man lang ay ma-realize niyang may mali sa sitwasyong ito.
Pero nanatiling stern ang expression niya.
“I didn't push her, Kieran. Please believe me…”
Bahagyang nabasag ang boses ko habang nagsasalita, kaya agad kong pinagdiinan ang mga labi ko para pigilan ang sarili kong maiyak.
I hated how weak I sounded.
Ayokong magmukhang mahina sa harapan niya.
Ayokong kailanganin pang magmakaawa sa lalaking dapat ay partner ko para lang paniwalaan niya ako.
At higit sa lahat, kinamumuhian ko ang katotohanang may parte pa rin sa akin na desperadong umaasang pipiliin niyang magtiwala sa akin.
Fiancé ko si Kieran.
Dalawang taon na kaming engaged, at sa kabila ng malamig niyang pakikitungo sa akin, unti-unti akong nahulog sa kanya.
Gwapo siya, matalino, at sobrang yaman. Kahanga-hanga rin ang pangangatawan niya, bagay na bagay sa matatalim niyang features. Mayroon siyang confidence na natural na nakakakuha ng atensyon ng mga tao sa paligid niya.
Siya ang klase ng lalaking maraming babae ang nangangarap na maging asawa.
At nang ipahayag ng grandfather niya na magiging fiancée niya ako, hindi man lang siya tumutol.
Hindi siya nagprotesta o nagpakita ng matinding reaksyon sa arranged marriage na iyon. Basta na lang niya itong tinanggap, na para bang hindi naman talaga mahalaga sa kanya kung ako ang mapapangasawa niya.
Noong mga panahong iyon, inisip kong baka senyales ng pagkakaroon niya ng feelings para sa akin ang pananahimik niya, kahit hindi pa siya handang ipakita ang mga iyon.
Akala ko, baka isa lang siyang lalaking hindi marunong magpakita ng affection.
Naniniwala akong kung bibigyan ko siya ng sapat na panahon, unti-unti rin niyang bubuksan ang puso niya para sa akin.
Pero tuwing may nangyayaring may kinalaman kay Penelope, palaging kinakampihan ni Kieran ang ate ko.
Walang pag-aalinlangan siyang naniniwala rito, habang ako naman ang naiiwang pilit na ipinagtatanggol ang sarili ko laban sa mga paratang na hindi ko naman kailanman ginawa.
“Why do you keep on lying!” biglang sigaw ni Mom.
Napapitlag ako sa lakas ng boses niya. Kusang nanigas ang mga balikat ko bago ako napalingon sa kanya.
Bago pa ako makasagot, inabot ni Penelope ang kamay niya.
“Mom, please stop it. Getting angry is not good for your health,” malumanay niyang sabi habang nakatingin kay Mom nang may pag-aalala. “You know you shouldn't get too upset.”
Pagkatapos, ibinaling niya ang atensyon sa akin, at bahagyang lumambot ang expression niya na para bang tunay siyang naaawa sa akin.
“It's okay, Sadie. There's no need to apologize. I know you didn't mean it.”
Mariin kong kinuyom ang mga kamay ko sa magkabilang gilid ng katawan. Bumaon ang mga kuko ko sa mga palad ko habang nakatitig ako sa kanya.
Nagagawa pa niyang palabasin na ako ang unreasonable sa pamamagitan lang ng pagpapanggap na understanding siya.
Gusto ko siyang sigawan.
Gusto kong sabihin sa lahat na nagsisinungaling siya at hindi ko man lang siya hinawakan.
Pero alam kong kahit gaano pa ako kalakas magpaliwanag, wala ring magbabago.
Napagdesisyunan na nila kung sino ang may kasalanan.
At ako iyon.
“Sadie, is that what the people who raised you taught you?”
Napalingon ako sa boses ni Dad.
Nakatayo siya malapit sa paanan ng kama ni Penelope, nakakunot ang noo habang nakatingin sa akin nang may matinding disappointment. Hinilot pa niya ang sentido niya, na para bang nagdulot sa kanya ng matinding sakit ng ulo ang buong sitwasyon.
Dahil sa simpleng gesture na iyon, lalo kong naramdamang wala akong ibang ginawa kundi maging pabigat sa kanila.
“But, Dad, I really didn't—”
“Enough!”
Napatalon ako sa biglaang lakas ng boses niya. Dumilim ang expression ni Dad, at bahagyang sumikip ang mga mata niya habang direkta niya akong tinitigan.
“It's not your fault that you grew up among those kinds of people,” pagpapatuloy niya, punong-puno ng disapproval ang tono. “But you've been living with us for two years now. Why are you still behaving like this?”
Mas tumagos sa akin ang mga salita niya kaysa sa gusto kong aminin.
Those kinds of people.
Ang tinutukoy niya ay ang mga taong nagpalaki sa akin matapos akong mawala. Ang mga taong nag-alaga sa akin noong wala ang sarili kong pamilya sa tabi ko.
Alam kong hindi kailanman naging komportable si Dad sa katotohanang lumaki ako sa isang liblib na probinsya, pero masakit pa rin marinig siyang magsalita nang ganoon tungkol sa mga taong kumupkop at nagpalaki sa akin.
Gusto ko silang ipagtanggol.
Gusto kong ipaalala kay Dad na sila ang nagbigay sa akin ng tahanan noong wala akong ibang malalapitan.
Pero bago pa ako makapagsalita, sumingit si Kieran.
“Mr. Garcia,” sabi niya habang bahagyang humakbang palapit. “I'll apologize on Sadie's behalf for what she did.”
Tuluyang lumubog ang puso ko.
“Kieran…” mahina kong bulong.
Gusto kong pigilan siya.
Gusto kong tumingin siya sa akin at ma-realize na hindi ko hinihiling na siya ang mag-apologize para sa akin. Ang gusto ko lang ay maniwala siyang wala akong ginawang mali sa simula pa lang.
Pero hindi man lang siya lumingon sa direksyon ko.
Sa halip, humarap siya kay Penelope.
“Penelope, please forgive Sadie. She's still young, and just like you said, she didn't mean for what happened to happen.”
Bahagyang ngumiti si Penelope at ibinaba ang tingin, na para bang nahihiya siya sa atensyong natatanggap niya.
“Don't worry, Kieran. I understand,” sagot niya sa malumanay na boses. “I know my little sister, even though she just returned two years ago. She didn't grow up with us, so maybe she still feels distant from the family. That's probably why she sometimes acts this way.”
Sandali siyang huminto bago muling nagsalita. “I am also at fault. I have my own shortcomings as her older sister.”
Lalong bumaon ang mga kuko ko sa mga palad ko. Ramdam ko ang hapdi ng pagkakadiin ng mga ito, pero halos hindi ko na iyon pinansin.
Ang nasa isip ko lang ay kung gaano kadaling nababaligtad ni Penelope ang bawat sitwasyon para pumabor sa kanya.
Siya ang nagpahulog sa pool, pero siya pa rin ang tumatanggap ng sympathy.
Siya ang nagparatang sa akin ng bagay na hindi ko ginawa, pero siya pa ang nag-a-apologize dahil hindi raw siya naging sapat na mabuting ate.
At ako? Nakatayo lang doon, tahimik na tinatanggap ang lahat ng sisi dahil walang sinuman ang gustong makinig sa akin.
Gusto kong ipagtanggol ang sarili ko at sabihin sa kanila ang lahat ng matagal ko nang kinikimkim sa loob ng dalawang taon.
Pero ano pa ba ang silbi?
Hindi nila ako kailanman paniniwalaan.
Hindi ang mga magulang ko.
Hindi ang mga kapatid ko.
At lalong hindi si Kieran.
“Thank you,” sabi ni Kieran kay Penelope, na para bang kuntento na siya sa naging sagot nito.
Pagkatapos, sa wakas ay humarap siya sa akin.
“Let's go.”
NARRATOR'S POINT OF VIEWOccupied na ang conference room ng Garcia Enterprise.Sa dulo ng mahabang mahogany table, nakaupo si Sandro Garcia—ang kasalukuyang CEO ng kumpanya—kasama ang asawa niyang si Susan sa tabi niya.Nakaupo naman si Penelope sa kabilang tabi ng kanyang ina, elegant at composed pa rin. Sa harap nila, nakaupo ang anim pang shareholders ng kumpanya, bawat isa may sariling interes sa negosyo.The atmosphere was far from pleasant.Bad trip na talaga si Sandro simula pa nung bisitahin siya ni Joseph nung nakaraang linggo. Ang suggestion na palitan siya bilang CEO ay talagang nakatapak sa kailaliman niya, lalo na’t taon ang ginugol niya para buuin ang posisyon niya sa kumpanya.Hindi niya maintindihan kung bakit ang isang taong kamakailan lang naman naging involved sa negosyo nila ay bigla na lang me-kwestiyon sa leadership niya.At wala siyang balak mag-step down."Nasaan na ba si Mr. Joseph?" inip na tanong ni Sandro sabay tingin sa wristwatch niya."Papunta na raw, Da
“Don't overthink it,” sabi ni Vincent. “Did you forget? Magkasama tayo sa restaurant noong nagkita kayo ni Mr. Murphy.”Huminga ako nang malalim bago tuluyang humarap sa kanya. May kutob na ako kung saan papunta ang usapang ito, pero gusto ko munang marinig ang palagay niya. Ayokong pangunahan ang sasabihin niya kahit alam kong may punto siya.“And that made you conclude na siya ang ama ng mga anak ko?”“There was something between the two of you. That's the impression I got at the time,” sagot niya habang nakatingin sa akin na para bang may alam siyang hindi ko kayang itanggi. “But after seeing your kids, especially after what happened just now when Athena told me she wanted to see their father, I didn't need to be a genius to put two and two together.”Ngumiti lang ako at bahagyang tumango.Wala naman akong balak na itanggi ang katotohanan. After all, Kieran Murphy was indeed my children's father. Hindi ko lang talaga kayang sabihin iyon sa kanya sa ngayon. Hindi pa ako handang ibun
Dalawang araw nang nagpapagaling si Vincent sa clinic ko. Kaya naman sinadya ko talagang manatili lang sa estate, para ilang hakbang lang ang layo ko tuwing kakailanganin niya ako.May pagkakataon na kinailangan kong pumunta sa opisina para sa trabaho, pero palagi kong sinasabi nang maaga sa pasyente ko at mabilis din akong bumabalik agad."Good morning, Doc," bati sa akin ni Vincent nang pumasok ako sa kwarto. Nakasandal siya sa headboard ng kama habang may hawak na tablet. "Good morning, kids.""Good morning po!" masayang bati ni Athena, mabilis na lumapit sa gilid ng higaan habang tahimik namang sumusunod si Adrian sa likod niya.Kapag dating sa mga pasyente, hinding-hindi nahuhuli ang dalawang 'to. Samantala, sina Aaron at Aidan naman ay may sariling mundo sa living room ng estate, ligtas na binabantayan ng dalawa nilang yaya, kaya hindi ko na kailangang mag-alala sa kanila."Kumusta po ang pakiramdam niyo?" tanong ni Athena.Itinaas ni Vincent ang isang kilay, bagamat kitang-kita
NARRATOR’S POINT OF VIEWSa loob ng luxury shopping center, busy si Kieran sa pakikipag-usap sa management at mga staff. Nang matapos ang briefing, nagsimula na siyang mag-ikot kasama ang mga ito.Samantala, sina Meryl, ang quadruplets, at ang dalawa nilang yaya ay nagnanakaw ng oras para magpalakad-lakad, habang nagtatawanan at nagkukuwentuhan. Pagkalipas ng ilang sandali, nagpaalam si Aaron na gagamit ng banyo, at mabilis namang sumingit si Aidan na gusto niya ring sumama.Hindi naman tumanggi si Meryl. Nakiusap lang siya sa isa sa mga yaya na samahan ang dalawang batang lalaki, habang siya, ang isa pang yaya, at ang dalawa pang bata ay nanatili muna sa isa sa mga komportableng resting area ng mall.Habang naglalakad patungo sa banyo, pilyong hinahatak nina Aaron at Aidan ang mga kamay ng yaya nila."Dahan-dahan naman kayong dalawa," natatawang pakiusap ng yaya habang umiiling. Sanay na sanay na siya sa alaga niyang mga bata at alam na alam niya kung gaano kapilyo ang mga ito kapag



![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)








Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Rebyu