Brielle Elise's POV "Dyan ka naka tira?" Pagtatanong ni Nathaniel ng maihatid nya ako sa Bahay, ikinatango ko naman agad at ngumiti ng bahagya."Oo eh, ikaw ba?" Pagtatanong ko naman habang nasa gate na."Ah yan lang sa tapat," At tinuro niya pa ang Bahay na malapit lang din sa bahay namin. Inaninag ko naman ito at napa tango tango pa."Sige pasok na ako, Salamat sa paghatid," At ngumiti ako dito at hindi na hinintay ang sagot pumasok na ako sa Bahay.Hindi ko sukat akalain na magkikita kami pagkatapos ng graduation. Sana ay hindi makarating kahit kanino na nandito ako sa Quezon City. Hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling may maka alam lalong Lalo na kay Cody.Ayokong pati anak ko eh madamay sa gulo. Sapat na siguro yung pinalaya ko sya kahit alam kong sa sarili ko na hindi ko kaya."Oh nariyan ka na pala bata ka," Biglang sabi ni manang Iska nang maka pasok ako sa loob."Opo, kayo ho ba ay kumain na?""Aba eh oo naman, ikaw lang ang inaalala ko," agad naman akong ngumiti sa kan
Última atualização : 2026-08-08 Ler mais