Nang makita ni Jace na halos madaganan na ni Mandy si Kyla sa pambubugbog, umitim ang mukha niya sa galit na parang puwit ng kaldero."Tanya, tingnan mo nga 'yang mga kaibigan mo. Sabihin mo sa kanya na tumigil na, kundi tatawag ako ng pulis ngayon din," pagbabanta ni Jace.Aminin man ni Tanya o hindi, alam na alam talaga ni Jace kung paano siya manipulahin.Isang public figure si Mandy, at siguradong masisira ang reputasyon nito kapag nasangkot sa pulisya. Ayaw ni Tanya na madamay ang kaibigan sa gulo niya, kaya tinapik niya ito habang nakapaibabaw pa rin kay Kyla."Tama na 'yan, besh."Agad namang tumigil si Mandy. Pagbangon nito, inayos niya ang kanyang nagusot na damit at buhok, bago kalmadong isinuot ulit ang sunglasses at face mask. Bumalik siya sa pagiging mukhang suplada at astig."Palalampasin kita ngayon," banta ni Mandy. "Pero subukan mo pang magsalita ng masama, sisiguraduhin kong wala ka nang dilang magagamit para manghimod ng puwit."Mabilis na inalalayan ni Nicole si Ky
Last Updated : 2026-09-03 Read more