RIOT’S POVNakatingin ako kay Cindy habang payapa siyang natutulog sa kama. Marahan kong inayos ang ilang strands ng buhok na humaharang sa kaniyang mukha. Pumasok ang liwanag ng umaga mula sa bintana, at sa kabila ng lahat ng kaguluhang nangyari kahapon kasama sina Mommy at Charlotte, pakiramdam ko ay ngayon lang naging tahimik ang buhay ko.Tahimik, pero may kailangang ayusin.Dahan-dahan akong tumayo at lumabas ng kuwarto bitbit ang telepono ko. Pumasok ako sa balkonahe at agad na hinanap ang numero ng matalik kong kaibigan.I dialed Roman’s number. Dalawang ring pa lang ay sinagot na niya agad."Hey, man. Napatawag ka? Balita ko mainit ang ulo ng pamilya mo ngayon, ah?" bungad ng boses ni Roman sa kabilang linya.I rolled my eyes. Hindi ko alam kung paano kumalat agad ang nangyari, pero sa pamilya ko talaga, walang sikreto ang nagtatagal."I need a favor, Roman," seryoso kong panimula, walang paligoy-ligoy. "I need you to pull some strings for me.""Ano? Bro, mukhang tinamaan ka n
Last Updated : 2026-08-09 Read more