LOGINCinderella Dizon is a 23-year-old innocent and kind-hearted samalamig vendor. Lumaki siyang ikinulong ng kaniyang tiyahin kaya halos wala siyang alam sa totoong mundo. She has no formal education, no real-life experience, at walang kaalam-alam tungkol sa love, dating, relationships, o kahit sa mga malisyosong bagay. Dahil sobrang pure-hearted at literal niyang mag-isip, madalas siyang mapunta sa mga nakakatawang sitwasyon nang hindi niya namamalayan. Dr. Judeious "Riot" Montenegro is a 32-year-old, highly respected obstetrician-gynecologist. Handsome, intelligent, confident, and always in control—hanggang sa pumasok si Cinderella sa clinic niya. What was supposed to be a simple checkup became the day his self-control completely fell apart. Pero hindi lahat ay naniniwalang bagay sila. Kung sa classic Cinderella ay ang evil stepfamily ang kontrabida, sa kuwentong ito, ang pinakamalaking hadlang ay ang makapangyarihang pamilya ni Riot. Para sa kanila, hindi karapat-dapat ang isang babaeng walang diploma, walang yaman, at walang kilalang apelyido. Can a poor samalamig vendor rewrite her own fairy tale, or will reality prove that not every Cinderella gets her happily ever after?
View MoreCINDERELLA’S POVMula sa pagkakadilat ng mga mata ko, ang unang nakita ko ay ang maaliwalas na liwanag ng umaga na dahan-dahang tumatama sa kwarto namin. Ang liwanag na iyon ay parang nagpapaalala sa akin na hindi na ako nananaginip.Lunes na!Ito na 'yung araw na sobrang kinatatakutan ko nitong mga nakaraang araw. Ito 'yung Lunes na iniisip ko pa lang kagabi ay pinalilipad na agad ang libo-libong paruparo sa tiyan ko. Pero kakaiba ang gising ko ngayon. Maayos at tahimik ang tulog ko, at sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, tila nawala ang mabigat na bara sa dibdib ko. Marahil ay dahil sa panatag na pakiramdam na ibinigay sa akin ni Dok, o kaya naman sa paraan ng pag-aalaga niya sa akin.Dahan-dahan akong bumangon mula sa malambot na kama. Isinuot ko ang aking pambahay na tsineleas at naglakad palabas ng kuwarto. Maya-maya pa, agad na humalik sa ilong ko ang napakabango, nakagugutom, at mainit na amoy ng pagkain mula sa kusina.Nakatayo doon si Riot sa tapat ng kalan. Nakasuot siya ng
RIOT'S POV Pumutok ang liwanag ng araw ng Linggo, at mula sa kusina, narinig ko na agad ang kaluskos ng mga gamit sa sala. Bukas na ang unang araw ng klase ni Cindy sa Westmoor College. Paglabas ko ng room ko, natagpuan ko si Cindy na nakaupo sa gitna ng carpet. Naka-hanay sa harap niya ang lahat ng bago niyang school supplies. Dahan-dahan niyang pinalilitaw ang dulo ng bawat pastel pink highlighter, tinititigan ito nang ilang segundo, bago maingat na itatabi pabalik sa loob ng kanyang pencil case. "Maaga ka pumasok sa kwarto kagabi, tapos maaga ka ring nagising ngayon," nakangiti kong bati habang lumalapit at nauupo sa tabi niya. Napatingin siya sa akin. Wala ang dating takot o pagpapanic sa mukha niya, pero halatang balisa siya sa kanyang sariling, tahimik na paraan. "Inaayos ko lang 'yung mga gamit, Riot," mahinang sagot niya. Hinawakan niya ang gilid ng kanyang bagong backpack. "Hindi kasi ako makatulog nang maayos. Iniisip ko lang na bukas na talaga." Inabot ko ang kanyang
RIOT'S POV Lumipas ang tatlong araw, at gaya ng ipinangako ni Roman, pumasok ang pinakahihintay kong balita. "Nagawa ko na, bro," proud na sabi ni Roman sa telepono noong isang araw. "Westmoor College, one of the best private universities in the city. Ang sabi ng VP for Academic Affairs, nagawan nila ng paraan para sa special admissions category under an adult learning alternative program. Gumawa lang ng kaunting magic sa background papers at home-school credit equivalents." Hindi ko alam kung magkano ang ginastos o sinong Santo ang tinawagan ni Roman sa board of trustees, pero hindi na mahalaga 'yon. Ang mahalaga, nakatayo na ako ngayon sa gitna ng sala habang pinagmamasdan ang limang malalaking paper bag na puno ng gamit ni Cindy para sa pag-aaral. "Uy Dok! Ano 'yang mga 'yan?" mahinhin na tanong ni Cindy habang lumalabas ng silid-tulugan. "Your school supplies," nakangiti kong sagot. Lumapit ako at isinulat ang pangalan niya sa isang mamahaling pastel pink binder. "May mga note
RIOT’S POVNakatingin ako kay Cindy habang payapa siyang natutulog sa kama. Marahan kong inayos ang ilang strands ng buhok na humaharang sa kaniyang mukha. Pumasok ang liwanag ng umaga mula sa bintana, at sa kabila ng lahat ng kaguluhang nangyari kahapon kasama sina Mommy at Charlotte, pakiramdam ko ay ngayon lang naging tahimik ang buhay ko.Tahimik, pero may kailangang ayusin.Dahan-dahan akong tumayo at lumabas ng kuwarto bitbit ang telepono ko. Pumasok ako sa balkonahe at agad na hinanap ang numero ng matalik kong kaibigan.I dialed Roman’s number. Dalawang ring pa lang ay sinagot na niya agad."Hey, man. Napatawag ka? Balita ko mainit ang ulo ng pamilya mo ngayon, ah?" bungad ng boses ni Roman sa kabilang linya.I rolled my eyes. Hindi ko alam kung paano kumalat agad ang nangyari, pero sa pamilya ko talaga, walang sikreto ang nagtatagal."I need a favor, Roman," seryoso kong panimula, walang paligoy-ligoy. "I need you to pull some strings for me.""Ano? Bro, mukhang tinamaan ka n












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore