Angel's POV Tila nag balik sa akin ang mga ala-ala nang apoy na nag sisilaban sa bahay namin nung nasunog ang bahay namin. Yun ang naging dahilan kung bakit pumanaw sila mama at papa, tapos nun ay may kumuha sa akin at dinala ako sa bahay ampunan.Unang araw ko duon ay hindi ako makausap dahil sa trauma na nangyari sa aking ng gabing iyun. Wala akong mga batang kinakausap at hindi ko din sinubukan na makipag kaibigan. Hanggang sa may Isang batang lalaki nun na lumapit sa akin. Hindi ko alam kung isa din ba sya sa mga batang nakatira sa bahay ampunan o Isang bisita. Naiiba kasi ang kanyang kasuotan nuon kaya hindi ko mawari ito.Ang natatandaan ko lang sa kanya ay may kakapalan ang kilay at palaaway, inaaway nya ang mga batang mas maliit pa sa kanya nun kaya ayaw nilang lumapit dito. Isang araw ay ako ang napag tripan niya, tinulak ako nito kaya ginawa ko din kung ano ang ginawa nya sa akin, tinulak ko din sya kaya umiyak ito. Nagulat ako ng bigla itong umiyak dahil akala ko ay hindi
Última actualización : 2026-08-24 Leer más