Share

#3

last update publish date: 2026-09-07 13:09:27

F A S T F O R W A R D

Pauwi na ako ngayon. Nasa loob ako ng sasakyan dahil pinahatid pa ko ni boss sa driver niya. Kahit paano ay masaya ako dahil binigyan ako ni boss ng 320K at sa susundo naman daw ang iba pang bayad. Sa wakas malaking pera na ito para sa pagpapagamot kay nanay. Sana pumayag na siya ngayon na magpunta kami sa hospital. Ngunit sa kabila ng lahat may kabang nakabalot sa puso ko. Kaya naman maraming mga tanong ngayon ang laman ng isipan ko at pag-aalala.

"Paano kung malaman ni nanay kung saan galing ang pera? Baka hindi niya ito tanggapin at magalit pa siya sa akin? Pero, hindi ko dapat isipin ang ganitong malungkot 'di ba? Tapos, hindi naman sa sinisisi ko si nanay. Kasi lasengera din siya at mahilig sa sugal kaya siya nahihirapan ngayon dahil sa pagpapabaya niya sa katawan niya.

"Kuya, dito na lang po," mahinang wika ko sa driver ng malapit na kami sa bahay.

Nasa highway lang naman ang bahay namin. Kaso lang, ayaw kong makita nila na nakasakay ako sa kotse. Dahil baka iba ang isipin nila.

Huminto ang sasakyan. Maayos akong nagpasalamat at hinintay ko itong umalis. Ilang hakbang na lang naman makakarating na ako sa bahay. Kaya naman nag-umpisa na akong lumakad.

Pagkarating ko sa bahay hindi ko mabuksan ang pintuan. Kaya ilang beses akong kumatok.

"Nanay, nandito na po ako. Buksan niyo po ang pintuan!" pasigaw kong sabi upang marinig nila sa loob.

Walang sumagot kaya patuloy akong kumatok ulit at sumigaw nang sumigaw. Hanggang sa kalaunan ay bumukas din ito. Tumumbad sa akin ang kuya kong mahilig din sa sugal. Malalim ang tingin niya. Kung sa bagay hindi na dapat ako magtaka dahil palagi naman siyang ganyan sa akin.

"Ang ingay-ingay mong babae ka. Saan ka ba galing? Ang tagalong umuwi anong oras na. Ano? Nagpakasarap ka na naman sa buhay mo samantalang kami dito nahihirapan na sa gutom? Tapos si nanay may sakit pa. Pero, wala ka man lang nagawa kundi ang mamasyal sa labas? Ede sana hindi ka na lang umuwi!" puno ito ng kaniyang galit.

Nanginig ang mga kamay ko. Agad na kumirot ang puso ko na para bang pakiramdam ko wala akong halaga. Ni-hindi nga ako makapagsalita. Dahil alam ko sa sarili ko na kapag lumaban ako iiyak lang ako. Nakakainis man isipin ang ganito. Pero, ano ang dapat kong gawin?

"Pumasok ka na nga! Sa susunod na umuwi ka p ng ganitong oras ng gabi, huwag na huwag ka na lang pumunta dito sa bahay! Sa kalsada sa ka matulog! Isturbo ka sa amin!" malakas na sigaw nito, kulang na lang mabasag ang tenga ko sa lakas ng boses ni kuya.

Ramdam na ramdam ko na rin ang titig sa akin ng mga kapitbahay. Yumuko na lang ako dahil sa hiya na maramdaman ko.

"Anong tinatayo mo pa diyan?! Pasok na!"

Mahigpit niyang hinawakan ang braso ko at hinila ako papasok sa bahay. Kasabay nito ang malakas niyang pagsara sa pintuan.

"Ano? May pera ka ba diyan? Akin na! Ibigay mo sa akin dahil gusto ko maglaro. Walang maibigay sa akin si nanay! Kaya sa 'yo ako aasa!"

Kung maka-utos sa akin si kuya meron pinatago. Para siyang boss sa bahay na ito. Pero, hindi pwede hindi ko pwedeng ibigay sa kaniya ang pera na para sa paggamot ni nanay.

"Wala po akong pera kuya. Naghahanap pa lang po ako ng trabaho." Napayuko ako ng sabihin ko ito. Kailangan ko siyang makunsinti na wala akong pera.

"Ano?!"

Nagulat ako at napa-upo sa sahig. Dahil sa malakas na sampal na ibinigay niya. Ramdam ko ang sobrang hapdi sa pisngi ko dahilan na napahawak ako. Kung tutuusin kulang na lang mabali pa ang pa ang leeg ko sa lakas ng sampal. Halos may kung anong tumunog nga sa tenga ko. Hindi ko magawang i-angat ang ulo ko. Napaiyak na lang ako habang nakayuko.

"Wala ka talagang kwenta! Palamunin ka pa rin sa bahay na 'to! Ilang oras ka sa labas tapos wala ka man lang pera! Ang kapal talaga ng mukha mong babae ka!" Halos kulang na lang mabasag ang mga babasaging gamit sa bahay dahil sa lakas ng kaniyang boses.

Siguro nga, kasalanan ko rin ito. Kasalanan ko kung bakit siya nagbago. Dahil dati halos puno siya ng lambing at lagi niya akong iniingatan. Ngunit, nang mamatay si tatay dahil sa paghahanap ng pera sa pagpapagamot ko. Araw-araw at gabi-gabi ng ganyan sa akin si kuya.

"Para sabihin ko sa 'yong babae ka. Wala kang karapatan sa bahay na 'to! Ang dapat mo lang gawin ay ang maghanap ng pera at ibigay sa akin! Kung wala kang pera umalis ka na lang dito sa bahay dahil hindi namin kailangan ni nanay ng palamunin na tulad mo!"

Napayakap ako sa sarili ko. Ang kuya ko na palagi kong kasama noon ngayon ay kinatatakutan ko na. Dahil para siyang isang nakakatakot na lion na gusto akong patayin.

"Ano ba 'yan kuya? Ang ingay niyo naman diyan." Boses ng ate ko. Rinig ko ang yapak niya na papalapit sa amin. Galing pa siya sa loob ng kwarto niya sa kanang bahagi ng bahay.

Napangiti ako ng kaunti dahil nagtitiwala ako na may kakampi ako. Alam ko naman sa sarili ko na si ate ang laging nagtatangol rin sa akin.

Nang makita ko ang mga paa niya. Napaangat ako ng ulo ko at tumingin sa kaniya na may kunting ngiti sa labi.

"Tingnan mo 'yan si Noime! Wala na naman maibigay na pera! Kanina pa 'yan sa labas tapos wala man lang maitulong pag-uwi?! Grabe na ang pagiging palamunin niya dito sa bahay! Kaya ang kailangan diyan ay palayasin na dito!" galit na galit na sigaw ni kuya.

Kahit hindi ko siya bigyan ng pansin. Ramdam ko pa rin ang nanlilisik na mga mata niyang nakatingin sa akin.

"Gano'n ba?" walang emosyon na sabi ni ate.

Binigyan niya ako ng ngiti at dahan-dahan siyang lumapit sa akin.

"Ano ba ang ginagawa mo Meryl! Huwag mong sabihin sa akin na kumakampi ka na naman sa babaeng 'yan? Tandaan mo hirap na hirap na ang pamilya natin! Dahil sa walang kwentang tulad niya!" sigaw muli ni kuya pero hindi ito pinansin ni ate, sapagkat nasa akin lang ang atensyon ni ate.

Napa-upo si ate para pantayan ako. Nakangiti siyang hinawakan ang pisngi ko. Sa ganitong pakiramdam nababawasan na ang lungkot ko. Dahilan na napangiti ako ng matamis. Ngunit, hindi ko inaasahan ang mangyayari. Para bang nabasag ang relasyon naming dalawa ni ate. Dahil sa---

"Masyado ka ng walang silbi Noime!" malakas niyang sigaw sabay malakas niyang sampal sa akin.

Nanginig ang labi ko, nanginig ang mga mata ko at nanginig ang buong katawan ko. Mas masakit ang sampal niya dahil tagos ito sa puso ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (6)
goodnovel comment avatar
Lovely Crow
Papunta na tayo sa kalbaryo 🥹
goodnovel comment avatar
Gabriel Pattern
Sobrang intense grabe!
goodnovel comment avatar
Love
nakakasabik itong kwento, mahirap pero lumalaban
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Mainit Na Pagmamahal (SSPG)   #47

    Wala akong ibang magawa kundi ang tumahimik at makinig kay Kurt. Hanggang sa natapos niyang asikasuhin ang kamay ko. "Huwag mo muna basain ang kamay mo. Just make sure na makikinig ka rin sa akin. Utos ko ito, maliwanag?" seryoso niyang boses ngunit dama ko ang pag-aalala ni Kurt.Tumango ako bilang sagot ko. Pero kalaunan lang ay napatayo rin ako. "Marami ka pang gagawin Kurt, kaya iiwan muna kita. Ubusin mo rin ang sabaw ah, " mahinhin kong sabi.Hindi pa man ako nakakahakbang para lumabas hinawakan niya ang kamay ko. "Stay there." Base sa tono niya at tila nakikiusap siya sa akin."Pero makaka-isturbo lang naman ako sa mga gagawin mo, eh. Kailangan mo rin mag-focus," dagdag ko pa."It's okay." Binitawan niya ako at lumapit siya sa mesa niya. Walang alinlangan niyang hinigop ang sabaw na nagpakaba sa akin. Agad na bumalot ang lungkot sa mukha ko dahil walang ngiti at tuwa sa mukha ni Kurt. Mukhang ayaw na naman niya sa naging luto ko. "I want this. Ang sarap mo talaga magluto No

  • Mainit Na Pagmamahal (SSPG)   #46

    NOIME POINT OF VIEW "Ayan, masarap ba Dencio?" Nakangiti kong hinintay ang sagot ni Dencio. Nakatingin lang ako sa kaniya habang hinihigop niya ang bagong luto kong sabaw."Wow! Ang sarap talaga! Kahit nabawasan ang pagiging maasim ang sarap pa rin, Noime. I like it so much!" Tuwang-tuwa ang puso ko na marinig ito. Kaya sana naman ay magustuhan na ito ni Kurt. "Sa tingin mo ba magugustuhan na ito ni Kurt?" pag-aalala ko."Of course, and I'm sure na gusto na rin ang niluto mo kanina," sabay kindat ni Dencio.Mabuti pa itong si Dencio may emotional intelligence. 'Yong Kurt na 'yon? Argh!"Sige puntahan ko na siya ngayon, ah. Huwag mong uubusin agad ang sabaw. Tyaka kapag may dumating na mga kapatid mo bigyan mo rin. Hindi 'yong puro ikaw lang, okay?" "Yes po, masusunod po Inang Reyna," sabay ngiti niya. Nagawa pa talaga niyang magbiro.Nakangiti ko siyang iniwan. Maingat akong naglakad upang magtungo muli sa kwarto ni Kurt. Maingat kong bitbit ang sabaw para masigurado na hindi ako

  • Mainit Na Pagmamahal (SSPG)   #45

    Mahina kong hinampas ang batok ni Dencio. Natigilan siya sa paghigop ng sabaw at napatingin sa akin. "Ikaw talaga ang pasaway mong lalaki. Hindi ka man lang ang tanong kung sino ang nagluto niyan para magpaalam ka kumain no? Tapos tingnan mo, mukhang gusto mo pang ubusin 'yan." Napahawak ako sa bewang ko at taas kilay na sinabi ito kay Dencio. Napatawa siya ng mahina a napakamot sa batok niya. "Ay, ikaw pala ang nagluto nito? Ang sarap ah, gusto ko ang sabaw na 'to." Muli siyang humigop ng sabaw. "Talaga ba? Masarap ba talaga ang sabaw? Pero hindi naman nagustuhan ng kuya mo, eh. Kaya hindi ako masaya ngayon." Naging malungkot ang boses ko. "Hay naku, alam mo kasi 'yang kuya kong si Kurt. Minsan kabaliktaran siya, eh. Kapag sinabi niyang ayaw niya ibig sabihin 'yon ang gusto niya pagdating sa mga ganitong simpleng bagay. Kaya kung sinabi niyang ayaw niya ang sabaw na 'yo ibig sabihin lang no'n gusto niya talaga. Binibiro ka lang ni Kuya kaya huwag mo na masyadong isipin para hi

  • Mainit Na Pagmamahal (SSPG)   #44

    NOIME POINT OF VIEW "Good job, Noime." Nakangiti itong sinabi ni Kurt. Tila ba'y nanalo siya sa isang loto. Dahil sa tamis ng ngiti niya. Ito ang pinakauna kong makita na ganito kaaliwalas ang mukha ni Kurt. "Para saan po ba Kurt?" pagtataka ko naman. "Sa ginawa mo sa briefcase.. Mukhang sinapian ka ata ng anghel para ibalik 'yon," sabay ngisi ni Kurt. Ngunit imbis na matuwa ako ay nainis pa ako. Lumubo ang pisngi ko, salubong ang kilay. "Anong sinapian? Sadyang mabait lang talaga ako. Isa pa iniisip mo ba na mukhang pera ako? Aba, ikaw kaya no? Kailan ka kaya sasapian ng anghel?" Hindi ako papayag na siya pang ang mang-iinis. Lalaban ako hangga't sa makakaya ko. "What the h*ll are you talking about?" Nanlilisik ang titig niya sa akin. Pero natawa lang ako. "Bakit ka naman nagagalit? Iniinis lang naman kita, ah. Ikaw ah, ang liit talaga ng pasensya mo Kurt. Kaya dapat bawas-bawasan mo ang pagiging seryoso mo araw-araw. Kas hindi ka na mabiro, eh." Hindi ko maintindi

  • Mainit Na Pagmamahal (SSPG)   #43

    Deretsahan akong nagtungo sa kwarto ni Kuya imbis na pansinin pa si Kiarra. Ang mabuti na lang nadatnan ko si Kuya. Kaso lang may ginagawa siya pero syempre hindi ako napadala. "Ano ba ang ginagawa mo Kuya? Pwede bang isturbuhin muna kita? May importante kasi akong sasabihin sa 'yo tungkol kay Noime." Umangat ang tingin ni Kuya pero malamig ang titig niya. "Speak." Walang emosyon. "Hayts, noong una boto na sana ako kay Noime. Pero ngayon napatunayan ko na pera lang ang habol niya sa pamilya natin. Kaya malamang peperahan ka lang din ni Noime." Malakas na hinampas ni Kuya ang mesa. Tumayo at mas nanlisik ang titig. Kaya ayaw ko siyang kausapin lagi, eh. Masyado siyang agresibo. "Teka lang, chill ka lang Kuya pwede ba? May proweba ako, hawak niya ngayon ang briefcase ko na may laman na 1 Million. Pero hindi niya agad binalik sa akin. Nakita ko sa CCTV at narinig ko ang sinabi niya. Sinabi ni Noime na magiging mayaman na siya sa pera na 'yon tapos ibibili niya raw ng sarili n

  • Mainit Na Pagmamahal (SSPG)   #42

    "Hello Jino, kumusta ka na my Babe," pagsulpot ni Ella. Walang alinlangan na lumapit sa akin ang babaeng ito. Pumangit ang pagkaguhit sa mukha ko ng hinimas niya ang dibdib ko. "Teka nga lang tigilan mo nga ako Ella. Lumayo-layo ka nga sa akin." Iniwas ko ang kamay niya mula sa dibdib ko. Binitawan ko ang tako ba hawak ko. Napatawa na lang ang mga kaibigan ko. "Jino, nandito ako for you. Kailan mo ba ako bibigyan ng atensyon mo? Ayaw mo ba sa malaki ang dibdib? I mean malaki ang pagmamahal." Napatingin nga ako sa dibdib niya at oo malaki nga. Kulang na nga lang d na magkasya ang bra niya. "Hindi lang harap ang malaki sa akin pati na rin ang pwet ko. Kaya bakit ayaw mo pa?" lumalabas ang dila niya. The fuck! Ang landi talaga ng babaeng ito. "Pahawak nga kung totoo 'yan." Lumapit si Martin kay Ella. "Ugh, ano ka ba Martin." Malanding ungol ni Ella ng mahawakan ni Martin ang dibdib niya. Sh*t! Nandidiri ako sa ganitong babae. "Bro, totoong totoo naman 'to, ah. Bakit ayaw mo? Ba

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status