Share

#5

last update Petsa ng paglalathala: 2026-09-07 13:09:35

"Sino ka? Pwes! Ikaw ay isang mamamatay tao!"

Nang marinig ko muli ito pakiramdam ko nilamon ako ng lupa.

"Umalis ka ng babae ka dahil wala kaming maisasagot! Kung gusto mong masagot ang katanungan mo! Puntahan mo ang pinatay mong tatay namin at doon ka sa kaniya magtanong!" dagdag ng ate ko.

"Hoy babae! Umalis ka na! Wala kang silbeng anak! Umalis ka na dito!" lasing na lasing iyong sigaw ni nanay.

Sa tindi ng sakit na nararamdaman ko. Mas humigpit pa ang pagkuyom ng kamao ko sa lupa. Tila ba'y kumikipot ang puso ko. Dahan-dahan itong hinahawakan ng mahigpit hanggang sa gusto nitong hindi na ako makahinga.

"Anong anak? Nanay naman, huwagl nga tawagin 'yan na anak mo. Hindi natin siya kadugo. Galing lang 'yan sa damuhan na May dalang kamalasan," mariin na dagdag ni kuya.

Bawat salita na tinatapon nila sa akin katumbas ito ng mga malalamig at malalaking espadang tumutusok sa puso ko.

Base sa kanilang galit, tila wala ng saysay kung ilang ulit pa akong magmakaawa. Nakaupo lang ako sa lupa habang umiiyak na nakatingin sa kanila. Subalit, sa ilang sandali lang ay tuluyan silang pumasok sa bahay. Iniwanan nila akong umiiyak na isang talunan.

Napansin ko ang liwanag na sumilip sa pintuan. Pumasok sa isipan ko na baka nagbago ang kanilang isip at muli nila akong papasukin sa bahay. Dahilan na dahan-dahan akong kumilos upang tumayo. Napangiti ako ng tumumbad si ate. Pero, sa hindi inaasahan.

"Ayan na ang lahat ng gamit mo! Baka sakaling may gamit ka diyan na galing sa tunay mong pamilya! Gamitin mo at bumalik ka sa kanila. Para sa kanila mo maibigay ang matinding malas sa dinala mo sa amin!" Itinapon niya ang luma kong bag papalapit sa akin at napunta naman ito sa lupa.

Bakit ate? Ganito na lang ba talaga ang tingin niyo sa akin? Sa loob ng ilang taon ng pagiging magkapatid natin, ito na lang ba talaga ang mangyayari? Tuluyan nitong itatapon dahil sa matinding poot na nararamdaman niyo para sa akin? Bakit? Bakit? Bakit!

Muling sumara ang pintuan ng malakas. Habang pinagmamasdan ko ang pintuan, napapunas ako ng mata ko. Kinuha ko ang bag ko sa lupa at niyakap ito. Kailangan ko ng sagot. Kung totoo man ang sinasabi nila. Gusto kong mahanap ang tunay kong pamilya.

Masakit sa akin na mangyari ito sa buhay ko ngayon. Ngunit, kahit na gano'n ay kailangan ko rin maging matapang. Tumayo ako ng may lakas ng loob. Ramdam ko ang mga titig sa akin ng kapatid bahay. Pero, hindi ko na muna ito pinansin pa. Dali-dali akong humakbang upang makaalis sa lugar na ito. Ngayon, gusto kong makarating sa puntod ni tatay kung sakaling makakuha ako doon ng sagot.

• • • • • • • • • •

Ngayon nandito na ako, umiiyak sa harap ng puntod ni tatay habang maraming mga tanong ang lumalabas sa bibig ko. Habang kinakausap ko ang puntod. Biglang may liwanag ang dumating at tunog ng sasakyan. Kahit hindi ako lumingon roon napansin ko pa rin ang paglabas ng mga lalaki sa sasakyan. Ang kanilang mga titig, bakit nandito sa akin? Wala akong oras para sa kanila kaya hinayaan ko na lamang ito. Sa sandaling napansin ko ang kanilang paglakad papalayo sa akin. Dito na ako kumuha ng pagkakataon na umalis sa puntod ni tatay.

"Tatay, kung sino man po ako. Pangako po, ikaw pa rin po ang the best tatay na nakilala ko sa buong buhay ko. Asahan niyo po ang pagbalik ko po dito. Mahal na mahal ko po kayo tatay. Huwag po sana kayo magalit kay kuya, kay ate at kay nanay. Dahil iyon po ang nararamdaman nila para sa akin. At tama naman po na gano'n sila magalit sa akin dahil ako naman ang dahilan ng pagkamatay niyo tay. Sa ngayon po, kailangan kong matutong tumayo sa sarili kong mga paa kasama po kayo sa loob ng aking puso. " Ito ang huling sinabi ko bago pa man ako umalis.

Sa gitna ng tahimik na daan, hindi ko lubos maisip kung ano ang tatahakin kong landas. Hindi ko lubos maisip kung saan ako mapupunta ngayon. Ang nasa isip ko lang ay ang malaking katanungan.

Sino nga ba ako?

Hindi ko inaasahan na biglang bubuhos ang malakas na ulan. Ramdam na ramdam ng buo kong katawan ang lamig nito na mas lalong nagpalamig ng emosyon ko. Niyakap ko lang ang dala kong bag upang mabigyan ng init ang katawan ko. Subalit, habang patuloy akong naglalakad. Nararamdaman ko ang mahapdi na bahagi ng katawan ko. Ang perlas ko. Tila hindi pa ito masyadong humuhupa dahil sa nangyari sa amin ng lalaking 'yon kanina.

Ang malas ko talaga! Siguro, kung nalaman kong hindi totoong may sakit si nanay! Siguro, hindi pa nakuha ngayon ang pagkababae ko!

Hindi ko na kaya ang maglakad pa. Kaya naman sa gitna ng tahimik at madilim na daanan napaupo ako sa lupa. Umaagos pa rin ang tubig sa kalangitan at nagdulot ito ng kunting baha sa kalsada. Parang ang puso ko lang na tumatangis at nababaha ng matinding sakit.

Naramdaman ko ang panginginig ng buo kong

katawan at unti-unting nawawalan ng lakas. Hindi ko alam kung bakit ito nangyayari sa akin? Dala ba ito sa matinding sakit ng pagsampal sa akin ni kuya at ate? Dala ba ito ng pananakit nila sa katawan ko? O dala lang ito sa pagod ng ginawa namin kanina ni Kurt Cobe?

Bigla akong bumagsak sa lupa. Dumikit ang mukha ko sa basang lupa. Kasabay nito ang muling pagtulo ng aking luha.

Dito na ba ako mamamatay? Wala pa akong sagot na nakukuha? Bakit? Bakit ang daya ng mundo sa akin at mamamatay na lang ako dito?

Nang dahan-dahan ng pipikit ang mga mata ko. Biglang may liwanag ng sasakyan ang papalapit sa akin. Hanggang sa huminto ito.

Bakit ka huminto? Hindi mo ba ako sasagasaan hanggang sa ako ay mamatay?

Kita ko ang paa ng lalaki na bumaba sa kotse. Dahan-dahan itong lumapit sa akin at ng makalapit ito tila hindi na ako nabuhusan ng ulan. Ngunit, sa sandaling nais kong makita ang itsura niya. Dito pa ako nawalan ng malay.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (7)
goodnovel comment avatar
Artemia
Sana tulungan si Noime ng lalaking bumaba sa kotse plssss
goodnovel comment avatar
Gabriel Pattern
Grabe!!! sobrang ganda ng kwento
goodnovel comment avatar
Love
ang ganda talaga. next pa po
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Mainit Na Pagmamahal (SSPG)   #45

    Mahina kong hinampas ang batok ni Dencio. Natigilan siya sa paghigop ng sabaw at napatingin sa akin. "Ikaw talaga ang pasaway mong lalaki. Hindi ka man lang ang tanong kung sino ang nagluto niyan para magpaalam ka kumain no? Tapos tingnan mo, mukhang gusto mo pang ubusin 'yan." Napahawak ako sa bewang ko at taas kilay na sinabi ito kay Dencio. Napatawa siya ng mahina a napakamot sa batok niya. "Ay, ikaw pala ang nagluto nito? Ang sarap ah, gusto ko ang sabaw na 'to." Muli siyang humigop ng sabaw. "Talaga ba? Masarap ba talaga ang sabaw? Pero hindi naman nagustuhan ng kuya mo, eh. Kaya hindi ako masaya ngayon." Naging malungkot ang boses ko. "Hay naku, alam mo kasi 'yang kuya kong si Kurt. Minsan kabaliktaran siya, eh. Kapag sinabi niyang ayaw niya ibig sabihin 'yon ang gusto niya pagdating sa mga ganitong simpleng bagay. Kaya kung sinabi niyang ayaw niya ang sabaw na 'yo ibig sabihin lang no'n gusto niya talaga. Binibiro ka lang ni Kuya kaya huwag mo na masyadong isipin para hi

  • Mainit Na Pagmamahal (SSPG)   #44

    NOIME POINT OF VIEW "Good job, Noime." Nakangiti itong sinabi ni Kurt. Tila ba'y nanalo siya sa isang loto. Dahil sa tamis ng ngiti niya. Ito ang pinakauna kong makita na ganito kaaliwalas ang mukha ni Kurt. "Para saan po ba Kurt?" pagtataka ko naman. "Sa ginawa mo sa briefcase.. Mukhang sinapian ka ata ng anghel para ibalik 'yon," sabay ngisi ni Kurt. Ngunit imbis na matuwa ako ay nainis pa ako. Lumubo ang pisngi ko, salubong ang kilay. "Anong sinapian? Sadyang mabait lang talaga ako. Isa pa iniisip mo ba na mukhang pera ako? Aba, ikaw kaya no? Kailan ka kaya sasapian ng anghel?" Hindi ako papayag na siya pang ang mang-iinis. Lalaban ako hangga't sa makakaya ko. "What the h*ll are you talking about?" Nanlilisik ang titig niya sa akin. Pero natawa lang ako. "Bakit ka naman nagagalit? Iniinis lang naman kita, ah. Ikaw ah, ang liit talaga ng pasensya mo Kurt. Kaya dapat bawas-bawasan mo ang pagiging seryoso mo araw-araw. Kas hindi ka na mabiro, eh." Hindi ko maintindi

  • Mainit Na Pagmamahal (SSPG)   #43

    Deretsahan akong nagtungo sa kwarto ni Kuya imbis na pansinin pa si Kiarra. Ang mabuti na lang nadatnan ko si Kuya. Kaso lang may ginagawa siya pero syempre hindi ako napadala. "Ano ba ang ginagawa mo Kuya? Pwede bang isturbuhin muna kita? May importante kasi akong sasabihin sa 'yo tungkol kay Noime." Umangat ang tingin ni Kuya pero malamig ang titig niya. "Speak." Walang emosyon. "Hayts, noong una boto na sana ako kay Noime. Pero ngayon napatunayan ko na pera lang ang habol niya sa pamilya natin. Kaya malamang peperahan ka lang din ni Noime." Malakas na hinampas ni Kuya ang mesa. Tumayo at mas nanlisik ang titig. Kaya ayaw ko siyang kausapin lagi, eh. Masyado siyang agresibo. "Teka lang, chill ka lang Kuya pwede ba? May proweba ako, hawak niya ngayon ang briefcase ko na may laman na 1 Million. Pero hindi niya agad binalik sa akin. Nakita ko sa CCTV at narinig ko ang sinabi niya. Sinabi ni Noime na magiging mayaman na siya sa pera na 'yon tapos ibibili niya raw ng sarili n

  • Mainit Na Pagmamahal (SSPG)   #42

    "Hello Jino, kumusta ka na my Babe," pagsulpot ni Ella. Walang alinlangan na lumapit sa akin ang babaeng ito. Pumangit ang pagkaguhit sa mukha ko ng hinimas niya ang dibdib ko. "Teka nga lang tigilan mo nga ako Ella. Lumayo-layo ka nga sa akin." Iniwas ko ang kamay niya mula sa dibdib ko. Binitawan ko ang tako ba hawak ko. Napatawa na lang ang mga kaibigan ko. "Jino, nandito ako for you. Kailan mo ba ako bibigyan ng atensyon mo? Ayaw mo ba sa malaki ang dibdib? I mean malaki ang pagmamahal." Napatingin nga ako sa dibdib niya at oo malaki nga. Kulang na nga lang d na magkasya ang bra niya. "Hindi lang harap ang malaki sa akin pati na rin ang pwet ko. Kaya bakit ayaw mo pa?" lumalabas ang dila niya. The fuck! Ang landi talaga ng babaeng ito. "Pahawak nga kung totoo 'yan." Lumapit si Martin kay Ella. "Ugh, ano ka ba Martin." Malanding ungol ni Ella ng mahawakan ni Martin ang dibdib niya. Sh*t! Nandidiri ako sa ganitong babae. "Bro, totoong totoo naman 'to, ah. Bakit ayaw mo? Ba

  • Mainit Na Pagmamahal (SSPG)   #41

    "Then that's better. Hindi ka kailangan alalayan ni Noime at hindi rin ako papayag na gawin ni Noime 'yon." Lumalim pa lalo ang titig ni Kurt. Ano ba naman itong ginagawa ni Kurt may iniisip nga akong gustong gawin eh. "At mas lalong hindi kailangan ni Kiara ng alalay sa babaeng 'yan," gigil na wika ni Madam. "Wala naman sigurong mali? Ako na nga ang nagpresenta tapos ayaw niyo pa?" sabay kunot ng noo ko. "Stop Noime." Hinawakan ako ni Kurt sa bewang ko at nilapit sa kaniya. Dahilan na magdikit ang katawan naming dalawa. Hindi ko alam kung ano ang balak ni Kurt. "Ano ba ang ginagawa mo? Hindi ka pwedeng maging alalay ni Noime. Tandaan mo sa akin ka nagtatrabaho," mariin niyang bulong sa akin. "Kurt alam ko naman, eh. Tyaka tumutulong lang naman ako para maayos na ang usapan," bulong ko rin sa kaniya. Napuno ng pagtataka ang mga tingin sa amin nina Kiarra. "Magpakabait ka nga, hindi lahat ng bagay kaya mong gawin. Ayaw kong pahirapan ka nila, maliwanag?" Ayan na naman si K

  • Mainit Na Pagmamahal (SSPG)   #40

    "Mom, please stop. I know what I'm doing. Ginagawa ko ito dahil opo I want to protect Noime. At hindi ko hahayaan na may kung sino ang gagalaw sa kaniya. Hindi ko hahayaan na masaktan si Noime. So please, stop mom. Dahil magiging gulo lang ito sa pagitan natin kapag ipilit mo pa rin sa akin si Kiarra." Pilit kong pinipigilan ang galit sa loob ko. Pero nakikita ko pa rin sa mga mata ni Mom na wala siyang balak sumunod sa gusto ko. "No, kahit na anong mangyari kayo pa rin ni Kiarra ang dapat na ikasal. Huwag mong kakalimutan na maraming nakakaalam na buo pa hanggang ngayon ang pagmamahalan niyo ni Kiarra." Galit na humakbang si Mom papalayo sa akin. Hindi na ako nakapagsalita pa. Nang makalabas I Mom, napasuntok na lang ako sa ibabaw ng mesa ko dito sa loob ng kwarto ko. Mainit na mainit ang dugo ko ngayon. 'Noime, bakit nga ba kita pinoprotektahan? What's the reason na maramdaman kong nasasaktan ako kapag may marinig akong masama tungkol sa 'yo. Damn! I don't know why! Ako pa nama

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status