LUMIPAS ang mag hapon na klase at wala naman gaanong ginawa puro pasulat lang at pinaghanda kame para sa resitation para bukas. Nang tumunog na ang bell hudyat na patapos na ang klase ay agad na akong tumayo. "Ingat ka sa pag uwe, Via .." Si Nathan. Nginitian ko ito. Ayokong isipin ang mga kalokohang pinagsasabi nila Kyrie at Lexi. "Salamat , ikaw din ingat ka sa pag uwe mo" Lumuwag ang pagkaka ngiti nito ... "Oo ba ! basta ikaw ang nag sabi ay talagang mag iingat ako !" "Ano ka ba , para kang timang ..." "Sabay na tayong lumabas , okay lang ba ?" "Okay lang bakit naman hindi hehe" Inaya ko naman na si Lexi na nakatayo na malapit sa pinto. nang aasar na ngiti ang nakita ko dito."Tara na besh ..." si Lexi.At sabay-sabay na kaming naglakad palabas ng school. Pagdating sa parking lot sa tapat ng kotse ni Lexi ay nag usap pa muna kame ni Nathan dahil hinatid pa kami nito."Mag iingat kayo Via , Lexi ...""Ikaw din .. Teka ? asan ang sasakyan mo ?" tanong ko dito.Nagkamot ito
最後更新 : 2026-08-07 閱讀更多