Mag-log in
"IF YOU THINK I'm going to do something to you now, you're wrong !!" mariin at seryosong sabe ng lalake sa harapan ko.
Napatingin siya dito at hindi malaman kung matatawa siya sa sinabi nito. ito ang unang gabe na magsasama kame sa iisang bahay ng lalaking ito. dahil ito ang araw kung kailan kame ikinasal ng aming mga Lola. "Wag kang mag alala at hindi ko naiisip ang bagay na yan ..." inis kong sabi dito at mula sa p***o ng kwarto ay kinuha ko ang mga bagahe. Nakita kong napangisi ito. "I know you ... I don't want to think about it anymore but I think you just bribed your Lola Isabelle and my Lola to marry you!" galit na sabi nito. Dahil sa sinabi nito ay inis akong napatingin dito. pinipilit na huwag maiyak sa harapan nito. Sa tingin ba nya ay pakana ko ang ganito ? Na kahit man ako ay walang ka aydi-idea na ipapakasal kameng dalawa. Paulit-ulit nya na lang isinisisi sa akin simula pa noong unang beses na napag usapan ang tungkol sa arrange marriage. "kung yan ang nasa isip mo bahala kana , gusto ko ng mag pahinga" nakakapagod ang araw na ito para saken at ang gusto ko na lang ay ang magpahinga agad. ayoko munang makipag talo dahil paulit-ulit lang nman ang aming pag aawayan. "If I didn't know that you like me for a long time, I might have believed it, but I'm not stupid enough not to think about that." Totoo ... Totoong matagal ko ng gusto ang lalaking nasa harap ko pangarap sya ng lahat. noon ng mabisita ito kasama ng Lola nito sa lugar namin sa Cebu para makipagkita sa Lola Isabelle. Unang kita ko pa lang dito ay talaga naman napahanga ako sa pagka gandang lalake nito kahit na hindi mo makitaan na ngumiti man lang sa kahit na sino. tipid kung makipag usap at palaging iritable sa lahat ng bagay talagang hindi mo maiiwasan ang mahumaling dito. pero kahit kailan naman ay hindi sumagi sa isip ko na kausapin ang lola isabelle para lang maipakasal sa lalaking ito. pero aaminin ko nung araw na malaman kong ipapakasal kaming dalawa may saya akong naramdaman. sino bang hindi kung ang taong gustong gusto mo ay ipapakasal sayo hindi ka ba matutuwa? Ang nasa isip ko na lang ay kung sakali mang matuloy ang pagpapakasal samin ay gagawin ko ang tungkulin bilang asawa nito. Napabuntong hininga na lang ako sa isipin na yon. at napansin naman ito ng lalake dahil don. tumayo ako para pulutin na lang ang nalaglag na coat nito na nasa sahig at para na rin makapag palit ng damit pagkatapos nitong maligo. Dumeretso ito sa Cr na nasa loob ng aming Master Bedroom Sobrang laki nito may makikita kang mga disenyong alam mong hindi lang basta basta ang halaga. sa gitna nito ang Napakalaking kama. Matatawag na nga itong California king bed sa sobrang laki. Nang maramdaman kong pabukas na ang p***o ng cr ay nataranta na lang ako hindi alam kung lalabas ba or hindi. patayo na sana ako para lumabas pero huli na dahil nakalabas na ito. natulala na lang ako sa isang sulok ng maramdaman na papalapit na ito sa gawi ko dahil andon pa ang mga bagahe nito. Amoy ang napakabangong shampoo at body soap na gamit nito hindi ko maiwasan ang mapasinghap na lang na agad naman napansin nito. rinig ko ang pag smirk nito sa gilid kaya naman napatingin ako dito at muli lang nman napapikit. HUHUHUHU LORD wag mo sana hayaan magkasala ang inosente kong mga mata ... Napatalon ako bigla ng maramdaman ko ang balikat nito na dumikit sa akin at dahil don ay na out of balance ako. narinig ko ang pag ngisi nito inis akong napatingin sa kanya dahil hindi man lang ako sinalo nito ! "A-Aray ko ..." Huhuhuhu ang Paa ko. tumama kasi ang aking paa sa upuan na nasagilid na hindi ko malaman kung saan bang gawa dahil sa sobrang tigas !! "Look's like your Panicking , huh ? nakangising sabi nito. "H-Hindi ako nagpa-panik ! N-Nagulat lang ako dahil bigla kang lumabas ng banyo!" "Really? and now you stutter?" agad itong tumalikod at walang sabi-sabing huhubarin ang Bathrub nito. kaya naman bago pa may iba pa kong makita ay agad na kong lumabas ng p***o ng kwarto at nag pasyang sa Cr na lang sa Living room maligo. NANG MATAPOS akong maligo ay sinadya kong huwag muna umakyat dahil mas okay ng mag stay muna dito sa baba. mamaya na lang ako aakyat pag sure ng tulog na ito napagpasyahan ko munang mag timpla ng gatas pampatulog at tsaka nag lakad lakad sa loob ng malaking bahay. Sa totoo lang ay ngayon lang ako makakatira sa bahay na gantong kalaki. kung sana lang ay kasama ko ang lola Isabelle mas masaya sana ko .. Agad na may lungkot na bumalot dahil sa isipin kong iyon. tanda ko pang pinilit ko ang lola na sumama sakin pero tumanggi ito dahil hindi raw maganda kung makikisama sya sa Bahay ng bagong kasal. Nang makaramdam ako ng antok ay nagpasya na kong umakyat sa kwarto .. plano kong sa Guestroom na lang sana matutulog pero ng itatry ko ng buksan ang p***o ay nakalock ito kaya wala na kong nagawa kundi ang dumeretso sa Master Bedroom. Nag makapasok ay nakita ko ang lalake na nakahiga na ito sa kabilang dulo at tingin ko ay natutulog na ito. kaya naman dahan dahan akong nahiga upang hindi na makaperwisyo at baka magising ko ito. Nang dahil sa pagod ay agad naman akong nakaramdam ng antok.NANG MAY MAHANAP ng dress si kyrie ay agad naman itong inasist ng sales lady sa fitting room para maisukat kung kasya ba ito kay kyrie. Ilang minuto ang lumipas pero hindi pa rin tapos ang kaibigan kaya naman nag tingin-tingin na lang ulit ako ng mga dress ng biglang may babaeng pumasok sa loob ng Botique shop. Napalingon ako doon at nakita ko si Samantha na lumapit sa counter. hindi naman ako napansin nito dahil naka pwesto ako sa gawing tagong parte ng shop. "Good morning Ms. Smith !" bati ng sales lady dito. "can i asked if the one I reserved last week already there?" maarteng tanong nito sa sales lady. hindi inabalang batiin din pabalik ang sales lady. "Ahh yes maam , nandito na po !" naka ngiti pa din sagot ng sales lady pagkuwa'y nagpaalam at pumasok sa stockroom para kuhanin ang pinareserve nito. pasimple akong nagtago dahil ayoko rin naman na makita ako nito. mabuti na nga lang at hin
DAHIL SA NANGYARE napagpasyahan kong wag na lang muna mag punta kila Lola Isabelle dahil tingin ko ay mapapansin pa ng mga ito ang mata kong namamaga sa kakaiyak. Naisipan ko na lang din na lumipat sa Guest room. balak kong doon na lang muna matulog. ayokong makatabi si Greyson at tingin ko rin naman ay pabor ito doon. Mag hapon akong nasa loob lang ng kwarto kaya wala na rin akong idea kung anong oras ba nakauwe sila Lance at Samantha. Kinagabihan ay kinatok naman ako ni manang para sa dinner pero tinanggihan ko ito at sinabing wala akong gana. ayoko pang makaharap si greyon naiinis pa din ako sa kanya. Bandang alas Onse na ng gabe ng mapagpasyahan kong lumabas ng kwarto para sana kumuha ng maiinom nakita ko namang sarado na ang p***o ng master bedroom kaya tingin ko naman ay natutulog na si greyson sa loob. Bumaba ako ng hagdan madilim na rin ang buong sala bakas na tulog na rin si Manang Nelda. Tahimik akong nagtimpla ng gatas ... Nang matapos ay nagpasya na akong bumalik pero b
KINABUKASAN ay maaga akong nagising dahil plano kong dalawin sila lola Isabelle mamayang hapon. Si Manang Nelda naman ay nagtungo sa palengke para mag Groceries at inutusan ko na rin itong bumili ng mga ingridients dahil balak kong dalhan ng pasalubong ang dalawa. Pababa na ako ng hagdan ng marinig ko ang pagbukas ng p***o mula sa Main door at doon pumasok si Greyson kasunod ang isang lalake at Babae ... "Wow ! Ang ganda naman pala ng bahay mo !" Ani ng lalake na sa tingin ko ay hindi naman nalalayo ang edad kay Greyson. "Whatever ..." "Ang Nice ng ambiance ah !" sabi naman ng babae na hindi rin nalalayo ang edad sa dalawa. Sa itsura nito ay talaga namang hahanga ka dahil sa pagiging class nito sa pananamit at tindig. bukod dun ay napaka ganda ng hugis ng katawan na aakalain mong para itong isang model sa isang commercial at magazine. Ang ganda nya ... "Hey !" napatingin ako sa lalake. Tipid akong ngumiti rito. Si greyson naman at yung babae ay sabay na napatingin sa gawi ko.
DUMAAN ang buong mag hapon na klase at dahil byernes na ay nagkaroon kami ng activity sa Misic and Arts. papunta na kami ngayon ni Lexi sa locker ng makasalubong namin si Nathan na may dala-dalang dalawang bote ng mineral water. "Para sa inyo nga pala .." sabay abot nito sa amin ni lexi ng tubig. "Salamat .." "Thank you , Nathan !" si lexi "San ang punta nyo ?" tanong nito. "Sa locker lang kukuhanin lang namin yung mga gamit namin" sagot ko dito "Samahan ko na kayo .." pag aalok nito. Habang naglalakad kaming tatlo ay sya namang tunog ng cellphone ni Lexi at sinagot naman nito iyon agad. "Via !" Si lexi "Bakit ?" "I'm sorry mukhang hindi ako makakasabay sayo ngayon nagkaroon kasi kame ng biglaang meeting ng mga ka grupo ko .." malungkot na sabi nito. "Ano ka ba okay lang ako .." "Paano ka nyan ? magco-commute kana lang ?" "Oo wala naman problema dun" naka ngiting sabi ko dito. "Are you sure ?" "Oo naman no ! Kaya ko ang sarili ko tsaka sanay naman ako m
ILANG SANDALI lang ay agad naman pumasok si Greyson sa loob."Kailangan na namin umuwe , it's get in late .." sabi nito."Tingin ko nga ay tama ka dyan ... masyado na rin gabe at may pasok pa kayo bukas." Lola cynthia pagkuwa'y tumayo na kame."kaya nga at baka mapano pa kayo sa daan .." si Lola Isabelle.Agad naman kaming nagpa alamanan na at hinatid kami ng mga ito sa sasakyan. Habang nasa byahe ay biglang nagsalita si Greyson."Pupunta ko sa condo ni Sam .."Gulat man ay hindi ko pinahalata dito. mabuti na lang at madilim sa loob ng saskyan."Anong oras na ah .." nag aalinlangang sabi ko.Magsasalita pa sana ito ng muling tumunog ang phone nito na agad namang sinagot."Yeah .. I'm on my way now ..."Kahit hindi ko man naririnig kung ano ang tinanong nito ay may idea naman ako kung ano iyon."I'll be there in 10 minutes .. ihahatid ko lang sa bahay si Via"Dahil don ay napag pasyahan kong magpababa na lang kaya naman ng maibaba na nito ang tawag ay tsaka ako nag salita."kahit ibaba
LUMIPAS ang mag hapon na klase at wala naman gaanong ginawa puro pasulat lang at pinaghanda kame para sa resitation para bukas. Nang tumunog na ang bell hudyat na patapos na ang klase ay agad na akong tumayo. "Ingat ka sa pag uwe, Via .." Si Nathan. Nginitian ko ito. Ayokong isipin ang mga kalokohang pinagsasabi nila Kyrie at Lexi. "Salamat , ikaw din ingat ka sa pag uwe mo" Lumuwag ang pagkaka ngiti nito ... "Oo ba ! basta ikaw ang nag sabi ay talagang mag iingat ako !" "Ano ka ba , para kang timang ..." "Sabay na tayong lumabas , okay lang ba ?" "Okay lang bakit naman hindi hehe" Inaya ko naman na si Lexi na nakatayo na malapit sa pinto. nang aasar na ngiti ang nakita ko dito."Tara na besh ..." si Lexi.At sabay-sabay na kaming naglakad palabas ng school. Pagdating sa parking lot sa tapat ng kotse ni Lexi ay nag usap pa muna kame ni Nathan dahil hinatid pa kami nito."Mag iingat kayo Via , Lexi ...""Ikaw din .. Teka ? asan ang sasakyan mo ?" tanong ko dito.Nagkamot ito







