Pagpasok ni Sierra sa living room, kasabay naman noon ang pagbaba ni Alejandro mula sa hagdan. Napahinto siya. He stopped too. Sa isang maikli ngunit mabigat na sandali, nagtagpo ang kanilang mga mata.Pagkatapos, umiwas ng tingin si Alejandro at nagpatuloy sa pagbaba, malamig na umaalingawngaw ang bawat hakbang nito.“I hope you haven’t ruined anything for, Mrs. Valerie,” malamig nitong sambit. “Binalaan ko na siya na ang paglapit sa'yo ay magdadala lamang sa kanya ng gulo.”Mahigpit na kumuyom ang mga kamao ni Sierra sa kanyang tagiliran.“Wala kang silbi, katulad ng malandi mong ina,” malamig na bulong ni Alejandro.Agad namuo ang luha sa mga mata ni Sierra, ngunit tumanggi siyang hayaang bumagsak ang mga 'yon. Kahit ilang beses pa niya itong marinig, kahit ilang ulit pa niyang sabihin sa sarili na sanay na siya sa mga salitang 'yon, masakit pa rin kapag mula mismo sa kanyang sariling ama nanggagaling ang mga ito.“Hindi,” mariin niyang sagot, pilit na itinataas ang kanyang ulo kah
Terakhir Diperbarui : 2026-09-03 Baca selengkapnya