MY MYSTERIOUS WIFE BOOK II THIRD-GENERATIONCHAPTER 413RD POV "Kilala mo siya?" Tanong sa kanya ng kapatid niya, kaya napatingin siya sa mga magulang niya. Mabilis na suminyas sila sa kanya, para hindi malaman ng kapatid niya ang totoo, naintindihan niya rin sila, dahil ayaw niya na magtampo ang kapatid niya, lalo na at ngayon lang ulit ito nagpakita. "Hindi.." Wika ni Jin, habang mabilis siyang nag-iwas nang tingin dito. "Umupo ka." Narinig niyang wika ni Jett, habang pinaghila nito ng upuan si Ivanna. Lihim na na-ikuyom ni Jin ang kamao niya, dahil sa kanyang nakita, at hindi siya papayag na pakasalan ito ng kapatid niya, dahil handa siyang agawin si Ivanna, para bumalik sa kanya. "Ibigay niyo na ang lahat ng regalo ko, para sa kanila!" napa-kunot ang noo ni Jin, dahil sa narinig niya mula rito. Kung magsalita kasi ito ay ibang-iba at hindi tulad noon. Nang makita ni Jin, ang pagpasok ng mga lalaki sa loob na may mga dalang paper bag, ay mas lalo pa siyang nagtaka. "Para sa i
Last Updated : 2026-09-15 Read more