MY MYSTERIOUS WIFE BOOK II THIRD-GENERATIONCHAPTER 363RD POV “T-Tita..” Mabilis na niyakap ni Etta si Nova, matapos itong makalapit sa kanya. “Gusto kung humingi nang tawad sa ‘yo Nova, sa lahat ng nagawa namin sa ‘yo.” Wika nito, habang binitawan ito.“’Wag kang mag-alala Tita, wala na po sa akin ‘yon, matagal ko na po kayong napatawad.”“Hindi ko akalain na ganito ka kabait at kagaling, kaya ngayon ay napagtanto ko na, tama nga ang ginawa ni Jin. Ang habulin ka at matunayan sa amin na mali kami.” Wika nito, habang napatingin ito kay Jin. “Patawad Jin, kung sinira ko ang maganda ninyong pagsasama noon, ngayon ay gagawin ko na ang lahat, matuloy lang ang kasal niyo.” “’Wag na po kayong mag-abala pa Tita, basta kasama ko lang po si Jin, ayos na ako,” malawak na ngumiti si Etta, dahil sa sinabi ni Nova.“Salamat Nova, pero ‘wag kang mag-alala, kami na mismo ang gagawa ng paraan, para mawala si Ivanna.” Agad na napatingin sa kanya si Nova, dahil sa sinabi sa kanya ng kanyang ina.
Last Updated : 2026-09-13 Read more