ONE MONTH LATER | NAIA PRIVATE HANGAR | 9:40 AMKaka-landing lang ng private jet pero bumukas na agad ang pinto.Unang lumabas hindi si Atasha — kundi security. Apat na lalaki, naka-black, may earpiece, naka-sunglasses kahit nasa loob ng hangar. Inikot muna ang buong paligid bago tumango yung isa papunta sa jet.Tsaka lang siya bumaba.Si Atasha Walton.28 years old, half-American, half-Filipino. 5'6, lagpas balikat ang pasadyang kulot na dulo ng light brown na buhok, makinis na parang hindi nasisikatan ng araw sa LA, slim pero hindi payat — yung katawang alaga sa Pilates at designer clothes. Naka-cream Dior travel set, oversized sunglasses na nakapatong lang sa ulo, at black Birkin na mas mahal pa sa bagong kotse. Lahat sa kanya mukhang mamahalin, mukhang spoiled, mukhang hindi pa nakarinig ng salitang "hindi pwede".Sa likod niya, dalawang assistant na may bitbit na apat na Rimowa luggage."God, it's so humid! I hate Manila humidity!" reklamo niya habang pinapaypayan ang sarili ng i
最終更新日 : 2026-09-29 続きを読む