Pasado alas dyes na ng gabi nang makalabas si Bella sa gate ng subdivision. Amoy pawis siya. Amoy chalk. Amoy pagod pero may determinasyon.Pitong oras siyang nagturo ngayon. Tatlong bata. Iba-ibang bahay. Iba-ibang subject. Apat na taon niya nang ginagawa ito magmula ng mag first year college ang nobyong si Oliver.Math sa umaga, English sa tanghali, Science sa gabi. Private tutor siya 200 pesos kada oras. Pag sinwerte, may tip. Pag hindi, baon na lang tubig at tinapay.Nanginginig kamay niya habang binibilang ang natitirang pera sa wallet. Pasmado at pagod kakasulat.1,200 pesos.. Kulang pa rin sa pang dagdag sa tuition ni Oliver next week. 8,500 pa kailangan.“Hinga lang, Bella. Kaya mo yan.” bulong niya sa sarili habang sumasakay ng jeep.Umulan ng malakas. Basang-basa siya pero ngumiti pa rin. Kasi naalala niya si Oliver. Limang taon na sila. Limang taon na siyang kumakayod para sa dalawa. Nung nag-graduate sila ng Senior high school, siya lang nakapagtrabaho agad. Si Oliver
Last Updated : 2026-08-24 Read more