"Your grandfather, Ang papa," dugtong ni Damien, huminga ng malalim. "Alam mo kung gaano niya kamahal ang pamilyang ito. Siya ang nagtayo ng Nostrad Empire from nothing. From delivery truck ng hollow blocks, from utang na puhunan, hanggang naging isa sa pinakamalaking construction and real estate empire sa bansa. Lahat ng meron tayo ngayon, lahat ng hawak mo ngayon, sa kanya nanggaling. Alam mo naman ang buong kwento, alam kong natatandaan mo ang mga advices ng lolo mo sayo bago siya nawala. 6 years ago nung namatay siya, akala namin tahimik na ang lahat. Pero nag-iwan siya ng isang bagay na ngayon lang namin masasabi sayo."Tumango si Devlin. Lumaki siya sa kwento ng Lolo Damon niya. Istrikto, traditional, matalino, at ayaw sa palpak na pamamahala. Ang Lolo Damon ang nagpalaki sa kanya nung bata siya habang busy sina Damien at Celestine sa business."Before he died 6 years ago, he left a last will and testament. At hindi simpleng will lang yun, Devlin. Hindi lang hatian ng mana at pe
Última actualización : 2026-09-23 Leer más