THREE DAYS IN BOHOL. Medyo huli na rin no'ng bumangon sina Felix at Monette nang gisingin sila ni Eli at Ian. Hindi na sila nag abala pang kumatok ay pumasok na lang sila ng walang paalam o pag katok. Kusot ang mata ni Felix habang pinapanood ang dalawang lalaki'ng tumungo sa kanilang kusina upang mag luto. Habang si Monette naman ay natatawa na lang, yakap yakap ang malambot niyang unan. "Umay sa'yo, p're! Ano ba yang binili mo?" Turo ni Eli kay Ian sa delatang binubuksan niya. "Spam! Spam-alam mo yung spam sa social media?" "Utot mo. Pati ba naman dito dala dala mo pa yang paborito mo, 'no?" "E, kaysa naman sa'yo!-itlog! Itlog sa umaga, itlog sa tanghali, itlog din sa gabi. Tapos ang meryenda mo may itlog din! Hanggang ngayon bili bili mo pa din yang itlog na yan!" "Kumag-at least itong itlog, healthy. E, yan kayang Spam mo?" "E, paano kung i prito niyo na lang yang Spam niyo sa itlog na pinagtatalunan ninyo para hindi na kayo mag talo?" Pag uunat pa ni Felix sa kanya
Last Updated : 2026-08-28 Read more