Ang tunog ng paulit-ulit na pag-vibrate ng kaniyang cellphone sa ibabaw ng nightstand ay parang pako sa tainga ni Jarima.Iniiwasan niya ang mga tawag ni Rafa, ngunit nang lumabas ang pangalan ni Federico sa screen kasabay ng isang maikling text—“I’m downstairs. Let’s grab some food. No Palace talk, I promise.”—dahan-dahang bumangon si Jarima mula sa kama.Nang bumaba siya sa kaniyang apartment building, naroon si Federico. Nakasandal ito sa kaniyang pribadong SUV, nakasuot na lamang ng simpleng black fitted t-shirt at jeans. Wala ang kaniyang pormal na suit, wala ang kaniyang earpiece—isang simpleng Federico lamang na naghihintay sa kaniya sa ilalim ng madilim na ilaw ng kalsada."Hi," bati ni Federico."Hi," bati pabalik ni Jarima na bakas ang hiya. "Gabi na. Saan ba tayo pupunta?"Ngumiti si Federico saka sinabing, "Basta! Tara!"Inihatid siya ni Federico sa isang kilalang open-air food park sa Kapitolyo. Ang amoy ng inihaw na liempo, sizzling sisig, at ang tugtog ng live acoustic
Last Updated : 2026-09-28 Read more