Niel Pov “Kuya Niel, kung gusto mo akong makasama, papayag ako! Kung gusto mong maging akin ako, hindi ako tatanggi. Maaari pa nga tayong magsimula ng sarili nating pamilya. Hindi ko na kayang mabuhay sa bahay na ito, Kuya Niel. Ikaw na lang ang mayroon ako. Hindi ako natatakot kahit malaman pa ni Mama ang tungkol sa atin. Sa totoo lang, matutuwa pa ako dahil makakalaya na ako sa paghihirap dito at makakasama na kita!” Lintik! Magsimula ng pamilya? Dahil sa mga sinabi niya, hinawakan ko ang magkabilang balikat niya at marahan siyang inilayo sa akin. Kahit labis na nasasaktan ang puso kong makita siyang umiiyak, kailangan kong gawin iyon. “Lumayo ka, Senyorita Thalia! Sinabi ko nang huwag mo akong hawakan!” Hindi makapaniwala ang tingin ni Senyorita Thalia sa akin. Kitang-kita sa namumuo niyang mga luha ang sakit at pakiramdam na
Dernière mise à jour : 2026-11-16 Read More