Kinabukasan ay tinanghali ng gising si Hayley gawa ng halos hindi siya halos makatulog buong gabi dahil sa kaiisip niya sa naging usapan nila ni Xylus. Dahan-dahan siyang bumangon mula sa kanyang kama at napatingin sa labas ng bintana kung saan mataas na ang sikat ng araw.Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga bago umalis sa kama at nagtungo sa banyo para maglinis ng kanyang sarili.Habang nagbibihis siya, hindi niya maiwasan na mapatingin sa manipis niyang tiyan. Wala sa sarili niya iyong hinaplos gamit ang kanan niyang kamay. She can't believe there's a tiny life inside her tummy and she didn't really exactly know what to feel about it.Nang makalabas siya, nakaramdam na siya ng pagkalam ng kanyang sikmura kaya naman bumaba na siya sa dining area. "Magandang umaga po, Miss Hayley," bungad ni Bellamy sa kanya."Magandang umaga rin," seryoso niyang wika."Handa na po ang almusal, Miss Hayley. Kumain na po kayo," anito sabay muwestra sa mahabang mesa na may nakahanay na
Last Updated : 2026-10-06 Read more