CHAPTER 06 ELLINDRIA'S POV He held my hand so gently. His hand was so much bigger than mine, with longer fingers. Hindi ko alam kung bakit kamay niya agad ang naisipan kong i-describe. Tiningnan ko si Uncle Timothy, pamilyar talaga siya sa akin. Mas gwapo pala siya kapag malapitan, he has tanned skin, sobrang bagay sa kanya. May kahabaan ang buhok, at ang lalong kumuha ng atensyon ko ay ang kanyang mga mata. Magsasalita pa sana ako, pero bago pa man ako makapagsalita ulit, biglang nagsalita si David. "Excuse me, guys... Babalik ako. Ellindria, behave!" he said, na para bang pag-aari niya ako. Nagmamadaling umalis si David sa kwarto, kaya naiwan kaming dalawa ni Uncle Tim na hawak pa rin ang kamay. Agad kong binawi ang kamay ko at ngumiti nang hilaw. "Ellindria?" Nagulat ako nang banggitin niya ang pangalan ko. Everyone was so busy and didn't seem to mind us. He said my name like we were already so close to each other. It was gentle and affectionate. "Y-yes, Uncle?
Last Updated : 2026-09-03 Read more